^
Rhian, may body acting
Rhian

Rhian, may body acting

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 7, 2021 - 12:00am

Sana mabigyan uli ng isa pang project na tulad ng ginawa niya sa The One That Got Away si Rhian Ramos.

‘Yung medyo may pagka-comedy na kikay siya at very sharp ang dating ng role. Bagay ang mga ganung papel kay Rhian dahil very expressive ang mukha niya at nakakatawa rin siyang mag-one liner.

Merong body acting si Rhian na hindi na kailangan ang mahabang dialogue para ma-express out ang gustong sabihin, iyon lang kiling ng ulo at taas ng kilay, naiparating na niya ang message na gusto niya.

Para sa akin, one of the best sa mga artista natin si Rhian, aside from fashionable at very articulate.

Benjie, laging una sa listahan ni Bong

Siguro kaya ‘yung ibang artista may mga kasama sa projects nila na parang fixture na ‘yung nandu’n lagi sa cast, o ‘yung lagi na gusto mo ang certain director para sa project ay parang comfort zone mo.

Sa kaso ni Bong Revilla ang parang type na type niya ay si Benjie Paras at si direk Rico Gutierrez. Parang team sila na kilala na ang bawat isa. Feel mo ‘yung parang brotherhood bond sa kanila, alam na nila ang timpla ng bawat isa, kung galit, inis o malungkot.

Touched ako na ‘pag dumadalaw noon si direk Rico sa Crame na kasama pati GF niya para ipakilala kay Bong. Si Benjie ay nakita ko ‘yung sincere na concern at respeto kay Bong. Kaya talagang nang mabalita na nagkaroon ng COVID-19 si Bong, laging nangungumusta si Benjie, kaya naman nang magkaroon ng false alarm na positive si Benjie, si Bong naman ang nataranta sa pagtawag para i-verify.

Kaya hindi ako nagtataka na basta may project si Bong, lagi una sa listahan niya ang pangalan ni Benjie para makasama. Para na silang magkapatid, at home na at home na sa isa’t isa na para rin si direk Rico Gutierrez.

Kaya makikita mo ang resulta sa Agimat ng Agila, palpable sa screen ang chemistry, respeto at pagmamahal nila, not only as an actor, director, kundi bilang tunay na magkaibigan.

RHIAN RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with