^

Sharon at KC, lumalangoy na may mga alahas

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 7, 2021 - 12:00am

Kinorek ni Sharon Cuneta ang comment ng isang netizen na “Chubby is the new sexy” dahil sa second post ni Megastar ng picture niyang naka-one piece swimsuit siya. Sagot ni Sharon, “Curvy is the right word” na sinang-ayunan ng kanyang followers. Nabanggit na ni Sharon na between 60-80 lbs., na ang nawala sa kanya and she needs to lose 20 lbs., more at dahil determinadong pumayat, siguro naman, makakaya niya ‘yun.

Anyway, sa convo nina Sharon at KC Concepcion, nag-usap ang dalawa at nabanggit ni KC na magpa-plan siya ng trip para sa kanila na ikinatuwa ng kanilang fans. May mga nagre-request na nga na makita silang magkasama in one frame na pareho silang naka-swimsuit na puwedeng mangyari with Sharon’s weight now.

And speaking of Sharon and KC, napansin na may suot silang jewelry habang nagsu-swimming. Si Sharon nga, may suot pang relos bukod sa bracelet at si KC, bracelet at necklace ang suot.

Still on KC, nag-post ito ng old photo nila ni Sharon, bata pa siya sa black and white picture at si Sharon, payat pa. Sabi ni KC, “Today is the day that outshines any other day of the year! Happy birthday and fabulous 55th to la Reina. Te quiro muchisimo @reallysharoncuneta.”

Jenine at Juan Miguel,sabik sa apo

Nakakaaliw sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador, ang parents ni Janella Salvador dahil parehong ayaw patawag na lola at lolo respectively. Sa vlog ni Janella na kung saan nagsalita sina Jenine at Juan Miguel, sabi ni Jenine, mas gusto niyang tawagin siyang “Lala” kesa lola.

Si Juan Miguel naman, ayaw din patawag na lolo at mas gusto, “Toto” ang itawag sa kanya. Excited na si Juan Miguel na makita ang apo kay Janella at gusto nga, umuwi na sina Janella, Markus at si Baby Jude dahil gusto nang makarga at mahalikan si baby Jude.

Nahawa yata ang bunso ni Jenine sa kanya na ayaw magpatawag ng lola dahil si Russel, ayaw ding patawag ng tito at mas gustong “Kuya.” Biniro siya ni Jenine na in denial ang anak na ginaya lang naman siya.

Mikael, ‘di sini-celebrate ang birthday

Pang-asar kay Mikael Daez ang birthday greetings sa kanya ng asawang si Megan Young na “Happy happy birthday to the one person I know that doesn’t remember his birthday or even career to celebrate it. Fofo always says, “why celebrate one day of my life when I can celebrate and be thankful EVERYDAY? Some people can’t believe that he doesn’t celebrate his birthday, but it’s always a nice surprise when the both of us eventually remember.”

Noong January 6, ang birthday ni Mikael at 33 years old na siya at tama nga si Megan, hindi masyadong fixated sa kanyang birthday si Mikael dahil wala man lang post about his birthday sa kanyang Instagram page. Mas inalala nito ang couple anniversary nila ni Megan.

Post ng aktor ng Love of My Life, “HAPPY ANNIVERSARY BONEZ! To celebrate my 10th anniversary with Boneezy, i’d like to look back at what happened a year ago” at pinost ang picture ni Megan sa kanilang wedding day na nakadapa sa kama at tila natutulog.

Samantala, hindi pa fresh episodes ang napapanood sa Love of My Life.

Rayver, kay Glaiza naman itatambal

Maiiwan nga sa GMA Network si Rayver Cruz habang ang GF niyang si Janine Gutierrez ay lilipat sa ABS-CBN. In fact, magbibida si Rayver sa bagong Afternoon Prime ng GMA 7 na Nagbabagang Luha at siya ang leading man ni Glaiza de Castro. Magkasama ang dalawa sa All-Out Sundays, kaya hindi nabago sa kanila ang magkatrabaho.

Ang mas challenge kay Rayver ay ang gagampanang role sa nasabing teleserye dahil ang role ni Gabby Concepcion sa movie version nito ang mapupunta sa kanya.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with