^

Pang Movies

Say ng netizens...Vice, wrong timing ang paglantad ng mansyon

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Parang wala sa tiyempo ang paglalantad ni Vice Ganda ng mansyon na milyones ang halaga na mala-hotel at ipinaalam ding may bahay para sa lover boy niyang taga-Tarlac na si Ion Perez.

Marami kasi sa fans niya ang hindi maka-afford na bumili ng mga pangunahing pangangailangan sa kasalukuyan. Ang feeling nga ng iba ay parang hindi naman interested ang fans sa mga nababalitang luho ng mga artista.

Isabel, nakita ang mga bituin sa sampal ni Nora

Natauhan si Isabel Rivas noong makatikim ng totoong sampal mula kay Nora Aunor sa seryeng Bilangin ang Bituin sa Langit.

Grabe raw manampal si Guy. Walang kiyeme kaya nagmukhang natural ang acting ni Isabel. Nagtaray-tarayan ba naman si Isabel kaya nabilang tuloy talaga niya ang bituin sa langit dahil sa malakas na sampal.

Mga ospital ‘di nadadaan sa pakiusap

Hindi masaya ang nakaraang kapaskuhan at bagong taon namin dahil na-hospital ang five year old baby girl naming apo na si Kendra Aguila. Naospital siya dahil mahilig siya sa isaw at mga maaalat na pagkain gaya ng junk foods.

Nagpapasalamat kami sa maganda at mabait na doktora sa Marcelo Hospital sa Baliuag, Bulacan na si Dra. Mary Jane Ontoy. Very patient siya at malambing sa mga pasyente. Courteous din ang mga staff, nurse at frontliner ng nasabing ospital.

Napansin din namin ang mahigpit na protocol ng ospital na hindi pumapayag sa promissory note tsk tsk tsk. Parang unfair naman po yata ito lalo na sa mga mahihirap na pasyente nilang taga-Bulacan.

Hindi ba alam ng ospital na nagsa-suffer sa kahirapan ang mga kababayan dahil sa COVID attack? Kon­ting pagmamahal naman po sana at huwag magpasilaw sa taginting ng iba’t ibang kulay ng perang papel.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with