_pang-masa
^

Pang Movies

Kaingayan ni Mother Lily, nami-miss sa filmfest

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kaingayan ni Mother Lily, nami-miss sa filmfest
Mother Lily

Na-miss ng marami si Mother Lily Monteverde dahil hindi siya nagpaparamdam. Dahil pinagbabawalan ng mga anak na lumabas, quiet muna si Mother Lily sa bahay niya sa Greenhills. ‘Pag festival at Christmas season, si Mother Lily ang pinakamaingay at very visible kaya miss na miss siya sa showbiz.

Sure ako na miss din ni Mother Lily ang paglilibot sa mga sinehan, pagtawag sa resulta ng bawat entry at pagbibigay ng Christmas party.

Don’t worry, ‘pag maayos na ang lahat, sure ako, biglang nandiyan na naman ang presence ni Mother Lily sa showbiz. We miss you, Mother Lily, stay safe and happy.

Makakati ang paa, pahinga muna sa biyahe

Parang matatagalan pa bago makabalik ang normalcy sa travel. Mukhang dahil sa bagong strain ng COVID-19, mas marami pa ngayon ang mga bansa na hindi puwedeng tumanggap ng mga turista, plus mas mahigpit ang health protocols na malaki ring hassle sa traveling.

At least matipid ngayon dahil kahit papaano ay hindi muna tayo lalabas ng Pilipinas. Kung kelan pa naman gusto ko nang makita uli ang Korea, Japan at Vietnam. Pero ang mas affected ay ’yung mga Pilipino sa abroad na medyo nahihirapan sa quarantine period na kailangang gawin.

Medyo pahinga muna ang makakating paa, Tagaytay, Boracay, local tourist spot muna tayo, panahon na para madalaw ang Magikland ni Cong. Albee Benitez sa Silay, dapat pumunta tayo roon ngayon, host natin si Pat-P at ipasyal tayo sa new kingdom niya sa Bacolod.

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with