^

KC, puwet naman ang ipinasilip

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 6, 2021 - 12:00am

Nagpasilip ng puwet si KC Concepcion sa suot niyang two-piece swimsuit nang itaas ang katawan bago mag-dive. Nasa Instagram story ni KC ang pagpapasilip ng puwet, hindi pa siguro nakikita ng kanyang followers, kaya wala pang reaction. Ang pinost kasi ni KC wearing the same two-piece skimpy bikini ay nakatalikod siya at nasa dagat, kaya disappointed ang kanyang fans at bashers.

Anyway, wala kaming nabasa na birthday greetings ni KC sa mom niyang si Sharon Cuneta na birthday ngayong January 6. Nasa El Nido pa rin yata si KC at kanyang mga kaibigan.

Sabagay, wala rin naman kaming nabasang birthday greetings from Sen. Kiko Pangilinan sa wife niya at kahit si Frankie Pangilinan. Saka ngayon pa lang naman ang birthday niya.

And speaking of KC, nabanggit siya ni Sharon nang may mag-comment sa photo niya na naka-swimsuit at ang sabi, “mas hot ka pa kay KC” na sinagot ni Sharon ng “wag naman baka magtampo si panganay. Hahaha” at sabi pa ni Sharon, gusto niyang gayahin ang ibang pose ni KC sa IG.

May comment naman si Frankie sa litrato ng ina na nagpakilig kay Sharon. Sabi ni Frankie, “Timeless talaga mama ko shems nahihiya tuloy ako.” Sagot ni Sharon, “@frankiepangilinan Mas sexy ka naman! I am allowing you to post your video in your two-pc. Kahit ayaw mo! Super sexy mo anak ikaw ang goal ko! ‘Pag nakahide na ako sa likod mo payat na ako pero parang pang-emergency call na ako nun huwag naman andaming may sakit.”

Mariel, nadawit sa galit ng fans

Pati si Mariel Rodriguez, nasama sa galit ng ilang Kapamilya fans kina Toni at Alex Gonzaga dahil sa post ni Toni sa Instagram defending Russu Laurente, ang second evictee ng Pinoy Big Brother (PBB). Pinost kasi ni Toni na si Alex Gonzaga ang bumili ng Balmain na suot niya sa second eviction ng PBB.

Sabi lang ni Mariel, “Love the look!!! Pbb season 1. Nag all white ka din...eviction night... you bought it from Armani Exchange Shangrila hahaha memorize ko!!! Ganda!!!” Sagot ni Toni, magaling ang memory ni Mariel at siya ang nag-aayos sa sarili niya dahil walang stylist ngayon.

May agad sumingit sa convo ng dalawa at nag-comment ng “Hala, kapwa DDS nagpupurihan. Feeling ni Mariel makakabalik pa sya sa ABS-Bawal po mga gaya mo sa ABS, supporter ng killer. Wag ka na nakikisali sa usapin ng PBB, wala ka karapatan. Hahahaha.”

Kung saan-saan na napunta ang usapan at lalo pang nagalit ang Kapamilya fans dahil nabasa ang pangalan ni Alex na nag-post ng emojis ng hands na pumapalakpak. DDS sisters daw sila ni Toni at parehong Marcos apologist at pinatatahimik pa ang Gonzaga sisters.

Ang maganda kay Toni, hindi dine-delete ang bashers nilang magkapatid, libreng mag-comment ang bashers hanggang ang anti at pro-government na ang nag-aaway-away.

Bilangin... new episodes na

Napanood na ang all-new episodes ng Afternoon Prime ng GMA 7 na Bilangin ang Bituin sa Langit simula last Monday at sa nabasa naming comments ng Kapuso viewers, gigil at galit sila sa mga karakter nina Isabel Rivas at Ina Feleo. Kung puwede lang daw silang pumasok sa telebis­yon para sila na ang sumam­pal sa dalawa ay gagawin nila sa sobrang sama ng dalawa.

Viva movies, mapapanood sa GMA

Maganda na talaga ang business relationship ng Viva Entertainment at GMA Network, hindi pa man nagsisimula ang shooting ng movie nina Bea Alonzo at Alden Richards na co-produced ng Viva Films at GMA Pictures.

Ang daming nagulat nang mapanood ang teaser ng mga pelikulang ipalalabas sa GMA 7 this year dahil kasama ang mga pelikula ng Viva Films na for airing. Kabilang dito ang Hindi Tayo Puwede nina Lovi Poe, Tony Labrusca at Marco Gumabao. Pati ang On Vodka, Beers and Regrets nina Bela Padilla at JC Santos at iba pang pelikula ng Viva Films.

Pati pala ang pelikula ng Regal Films ipalalabas din sa GMA 7, kaya hindi kami magugulat kung dumating ang araw na mag-co-produce na rin ang Regal Films at GMA Pictures sa susunod.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with