^

Marian, lutang agad ang husay sa stage play

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 6, 2021 - 12:00am

Mapapanood na sa February 22, 25 at 27, January 6, ang unang sabak ni Marian Rivera sa stage play, ang Oedipus Rex mula sa Tanghalang Ateneo. Para itong video call ng cast pero umaakting ang lahat!

Kakaiba nga lang ito dahil streaming ang paglabas ni Yan sa stage play. Ipinasilip niya sa kanyang Instagram ang parang teaser ng play. Mga facial reaction at sagutan ng boses ng characters ang sangkap ng teaser.

On sale na ang ticket simula kahapon sa ticket2me at ang password sa gustong makapanood ay 03d1pu5_r3x.

Impressed naman ang netizens na nakapanood sa teaser na galing na galing sa cast at gustong mapanood.

Bagong experience ito para kay Ma­rian na kahit video ang performance eh lutang na lutang ang kahusayan niya bilang aktres, huh!

Sen. Bong, ipakikita na ang agimat

Lilipad na ang Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla Jr. sa Kapuso Network.

Hindi nagkamali si Senator Bong na manatili sa Kapuso Network dahil hindi talaga siya iniwanan ng network kahit may mga batikos sa paggawa niya ng weekly series sa network.

Kasama ni Bong sa series sina Sanya Lopez, Michelle Dee at Benjie Paras at mula ito sa direksyon ni Rico Gutierrez.

Magsisilbing tribute din ito sa pumanaw niyang ama na si Senator Bong Revilla Sr. na minana ni Bong ang “agimat” sa lahat ng laban niya sa buhay.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with