^

Pang Movies

Albert, wala pa rin sa planong mag-asawa

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Sa darating na March 14, 2021 ay anim na taon nang biyudo si Albert Martinez matapos sumakabilang-buhay ang kanyang misis, ang dating actress at kaisa-isang anak ng dating mag-asawang Amalia Fuentes at Romeo Vasquez na si Liezl Sumilang-Martinez. Naiwan kay Albert ang kanilang tatlong anak na sina Alyanna, Alfonso at Alissa na may kani-kanyang pamilya na. 

May tig-isang apo na rin ang actor sa kanyang tatlong anak na ang panganay ay si Adalyn Riley, anak ng mag-asawang Alyanna at Roy Macam. Ang mag-anak ay naka-base sa Amerika. Last December 7 ay nagsilang na rin ng kanilang first baby ang mag-asawang Alissa at Paulus Reyes ng baby boy na kanilang pinangalanang Amati Mari. Baby boy din ang anak ni Alfonso na si Arturo sa fiancée nitong si Mikaela Hahn. The couple got engaged last September habang ipinagbubuntis nito ang kanilang first baby.

Although solo na sa kanyang buhay si Albert,  mukhang wala pa rin itong plano na palitan sa kanyang puso ang kanyang yumaong misis. 

Samantala, habang naghihintay pa si Albert ng bago niyang TV project, tatlong lumang hit TV series niya ang patuloy na napapanood nga­yon sa Kapamilya Channel at A2Z Channel at iba’t ibang platform, ang Kadenang Ginto, The General’s Daughter at The Good Son.

Glaiza, babalik na

Hanggang ngayon ay nasa Ireland pa rin ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro, now engaged sa kanyang Irish businessman boyfriend na si David Rainey. Nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Glaiza sa darating na January 19 dahil may bagong TV series siyang sisimulan sa GMA, ang TV adaptation ng pelikulang Nagbabagang Luha na pagtatambalan nila ng singer-dancer-actor na si Rayver Cruz kasama sina Mike Tan at Claire Castro.

Kung masaya ngayon ang puso ni Glaiza, masaya rin siya para sa kanyang bestie, ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na may bagong nobyo na ngayon after years of being loveless pagkatapos ng breakup nila ng actor na si John Lloyd Cruz.

RitKen, ‘di tinatago ang nararamdaman

Noong August 31, 2020 pa natapos ang shoo­ting ng first movie bilang magka-loveteam nina Ken Chan at Rita Daniela, ang My First and Always: Luis Loves Luisa na dinirek ni Louie Ignacio and joint venture ng GMA Films at Heaven’s Best Entertainment pero hindi pa rin ito maipalabas hanggang ngayon dahil sarado pa ang mga sinehan. Habang naka-pending pa ang release nito, may bago naman silang TV series na aabangan ng kanilang fans sa Kapuso Network, ang Ang Dalawang Ikaw kung saan nila makakasama ang baguhang si Ana Vicente.

Very vocal pareho sina Ken at Rita sa kanilang damdamin para sa isa’t isa kaya marami ang naniniwala na matagal nang magkasintahan ang dalawa.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with