^

Kim, nakipag-bonding sa mommy at lola ni Xian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 5, 2021 - 12:00am

Ang sweet naman ng caption ni Mary Anne Lim, mom ni Xian Lim sa photo nila ng kanyang ina kasama si Kim Chiu na GF ni Xian. Sabi ni Mary Anne, “Happiness is: Having Kim over for dinner on a New Year’s day...”

Sa litrato, makikita ring hawak ni Kim ang gift sa kanya ng lola ni Xian na gawa niyang cross stitch frame at may letters “K” at “C” na initial ng pangalan ni Kim.

Jennylyn at Dennis, hinihiritan ng sariling anak

Tama ang netizen na nag-comment na hindi pelikula ang project na binanggit ni Jennylyn Mercado na pagsasamahan nila ni Jericho Rosales kundi endorsement. Last Sunday nga, ni-launch ang TVC ng isang multivitamins.

Sana nga, masundan pa ang movie nilang Walang Forever dahil marami pa ring fans ang gusto silang mapanood uli sa pelikula. Sa ngayon, kanya-kanya muna ng project sina Jennylyn at Jericho.

And speaking of Jennylyn, kasi-celebrate lang nila ni Dennis Trillo ng kanilang 7th anniversary noong January 1, 2021. Nagsimula kasi ang relasyon ng dalawa noong Jan. 1, 2014 at going strong pa rin hanggang ngayon, kaya ang wish ng mga nagmamahal sa dalawa, magpakasal na sila at magbuo ng pamilya.

Parehong tanggap nina Dennis at Jennylyn ang kani-kanyang anak sa past relationship, close sina Calix at Jazz, kaya wala na silang problema.

Samantala, magre-resume this January ang lock-in taping nina Dennis ng Legal Wives, lock-in taping pa rin ito, kaya kanya-kanya na namang baon ng pagkain at mga gamit sa pagluluto at paglalaba ang cast.

Ex ni Joem tahimik sa baby ni Meryll

Nakita na rin ni Maricel Soriano ang anak ng pamangkin niyang si Meryll Soriano at Joem Bascon. Pinost ni Meryll ang litrato na karga ni Maricel ang apo sa pamangkin at ang caption ay “Surprise visit from Mommy 2. Pinakaunang bisita! We love you, Mommy 2.”

Nauna nang ipinakita ni Meryll ang baby nila ni Joem sa amang si Willie Revillame, ang hindi pa nababanggit nina Meryll at Joem ay kung ano ang pangalan ng kanilang baby, ano ang gender at kailan ipinanganak ng aktres ang baby.

Binisita pala namin ang Instagram ni Crisha Uy, ang ex ni Joem at may nagbalita sa kanyang may anak na ang kanyang ex (si Joem). Hindi na sinagot ni Crisha ang mga tsismosa at obvious namang naka-move on na siya.

John at Ellen, tuloy sa rom-com

John en Ellen ang title ng rom-com series nina John Estrada at Ellen Adarna sa TV5 na this January 2021 na ang pilot. Pinost ni John ang hiwalay na pagpo-promote nila ni Ellen sa kanilang series na kung saan, mag-asawa ang role nila at ang magiging pangalan ay John at Ellen Kulantong at sa pangalan pa lang, nakakatawa na.

Sabi ni John, “Malapit n’yo na makilala sina John en Ellen Kulantong... sa January na sa TV5.” Walang ibang detalye na ibinigay si John sa rom-com series na pagbibidahan nila ni Ellen.

Dahil may show sa TV5 si John, ibig sabihin, hindi exclusive ang kontratang pinirmahan niya sa GMA Network dahil puwede siyang lumabas sa TV5. Malapit na ring mag-pilot sa GMA 7 ang Afternoon Prime nila ni Carmina Villarroel na Babawiin Ko Ang Lahat.

Samantala, masaya ang nakaraang Pasko ni John dahil nakasama niya ang mga anak nila ni Janice de Belen sa bahay nila ng asawang si Priscilla Meirelles. Kasama pa nila ang mom ni John, kaya kumpleto ang kanyang pamilya.

KIM CHIU XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with