^

Pang Movies

Marco, waiting sa baby girl

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Kung ang 40-year-old actor na si Marco Alcaraz lamang ang masusunod ay gusto nitong magkaroon sila ng isa pang anak ng wife niyang si Precious Lara Quigaman, ang pang-apat na Filipina na nakasungkit ng Miss International crown noong 2005-turned actress.

Tatlong boys na ang anak ng mag-asawang Lara at Marco – sina Noah (8), Tobias Nolan (2) at ang almost four months old baby nilang si Moses na isinilang last September 17, 2020. Kung papalarin, gusto rin ng couple na magkaroon sila ng anak na babae.

Anthony at Rossel, tumibay ang pananampalataya

Alam mo, Salve A., saludo ako sa mag-asawang Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna sa kanilang pagiging matatag at pagkakaroon ng strong faith sa Diyos. Sa kabila ng kanilang sunud-sunod na pinagdaanang unos ng kanilang buhay, hindi mo kakikitaan ang mag-asawa ng pagkabalisa at pagkakaroon ng depression at sa halip ay buong tapang nilang hinaharap ang bawat pagsubok ng dumarating sa kanila.

Ilan sa sampung branch ng Ka Tunying’s Café and Restaurant ang nagsara dahil sa pandemya. Naglabas-pasok din ang mag-asawa ng pagamutan dahil sa pagkakasakit ng leukemia ng kanilang teenage daughter na si Zoey. As if these are not enough, pinagnakawan pa sila ng malaking halaga ng pera ng taong kanilang pinagkatiwalaan.

Kung naiba-iba lamang siguro ang mag-asawang Anthony at Rossel ay baka bumigay na ang mga ito. Pero nanatili silang matatag at lalong lumakas ang kapit nila sa Diyos. Naniniwala ang mag-asawa na lahat ng mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay ay kaya nilang malagpasan sa gabay ng Panginoong Diyos.

Dating asawa ni Rio, ikakasal na

It was on October 4, 2004 nang sumakabilang-buhay ang dating beauty queen-actress-host na si Rio Diaz dahil sa colon cancer sa Daly City, California, USA. Iniwan niya ang kanyang second husband na si Charlie Cojuangco at dalawa nilang anak na sina Jaime at Claudia Diaz Cojuangco. Ang panganay na anak ni Rio na si Ali ay anak niya sa una niyang mister, ang music icon na si Hajji Alejandro.

Halos 16 years din ang binilang bago muling nakatagpo ng bagong mamahalin ang kongresista ng Tarlac. Bago nagtapos ang taong 2020, noong December 29 ay nagkaroon ng betrothal ceremony sa pagitan nina Charlie at nobya nitong si China Jocson, isang pre-wedding rites na dinaluhan ng respective families and close friends ng magkasintahan na nakatakdang ikasal sa taong ito.

Si China ay dating broadcast journalist ng GMA at dating assistant to the President’s Spokesperson na si G. Ernesto Abella.

Si Charlie ay isa sa mga anak ng yumaong business tycoon at political kingpin na si Eduardo `Danding’ Cojuangco na sumakabilang-buhay noong nakaraang June 16, 2020.

vuukle comment

MARCO ALCARAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with