^
Jay Sonza, hindi tatantanan ni Julia ngayong 2021?!
Gerald Anderson and Julia Barretto

Jay Sonza, hindi tatantanan ni Julia ngayong 2021?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 4, 2021 - 12:00am

Inaabangan ngayong 2021 kung aamin na sina Gerald Anderson and Julia Barretto.

Sinasabing magkasama sila sa Baguio na nag-celebrate ng Bagong Taon.

Nag-viral pa nga ang photo raw ng isang fan na nagpa-selfie kay Julia na may kasamang emote.

Actually, hindi na diumano bago ang issue na nakikita silang magkasama sa iisang lugar. Very 2020 na.

‘Yun nga lang, hindi raw puwedeng magpa-picture sa kanila na magkasama.

Dapat daw lagi silang magkahiwalay.

Pero ayun nga, base sa mga post ni Marjorie Barretto, sila ang kasama ni Julia at hindi si Gerald.

Post ni Marjorie : “Going up to Baguio to celebrate New Year’s Eve was truly the best way to end 2020. It was a trip to remember. It was good for my soul. Restart, reset, recharged. God is good,” na kasama ang mga anak.

Tamang duda lang ang followers ni Gerald dahil wala nga siyang post na kasama si Julia though nasa same spot daw ng photos ni Julia and photos ni Gerald.

Walang inaamin hanggang ngayon ang dalawa kahit sila na nga sabi ng maraming source.

Samantala, inaabangan din kung anong mangyayari kay Jay Sonza matapos itong ireklamo ni Julia sa NBI.

“Ang dami ko na kasing pinagdaanan, ang dami ko nang pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputation ko, ang pangalan ko. You know, I think I just want to show people na hindi ko na pinapalampas ‘yung mga bagay na ganito,” sabi ni Julia sa interview matapos  ang ginawa ni Mr. Sonza tungkol kina Ge­rald and Julia na ipinost sa kanyang media account na diumano’y nabuntis ito ng actor na walang-wala naman talagang basis.

Barbie, nagpasalamat sa mga ginawa ni Diego

Nagpasalamat si Barbie Imperial kay Diego Loyzaga.

Officially, mag-on na ang dalawa na nilantad nila sa kani-kanilang social media accounts.

“Still my favorite photo of us,” simula ng post ni Barbie.

“Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love & friendship with this one.

“Thank you for making me happy & feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you #angcheezynibarbie pagbigyan ngayon lang ulit naging ganito.”

Natuwa naman ang friends and followers ni Barbie sa declaration niya ng pagmamahal sa anak nina Cesar Montano and Teresa Loyzaga na umamin noon na dumanas ng depression.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with