^
Matteo, goal na maging best husband kay Sarah
Matteo at Sarah

Matteo, goal na maging best husband kay Sarah

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 4, 2021 - 12:00am

Nag-post din ng kanyang goal si Matteo Guidicelli for 2021 na ikinakilig na naman ng AshMatt fans nila ni Sarah Geronimo.

Sa kanyang small clip sa IG kung saan ay makikitang nagba-vacuum siya ng sahig nila habang nakaupo at nagbabasa ng libro.

“2021 goals: to be the best ever husband,” caption ni Matteo.

Sa comments section ay napakaraming naaaliw at natuwa at komento nga nila, best husband naman talaga si Matteo. Ang cute rin ng isang netizen na gumamit ng hashtag na #SarahAll.

Ang fans naman nila, ang wish for the couple ay magka-baby na raw sana sila this year.

Bea, hinulaang pakakasal sa matured man

Masuwerte sa career ngayong 2021 at magpapakasal either seven months or seven years from now. ‘Yan ang hula kay Bea Alonzo ng isang tarot-card reader na si Niki Vizcara na inimbita ng aktres para hulaan sila ng kaibigang si Kakai Bautista.

Mapapanood sa YouTube ang first vlog ni Bea for 2021 kung saan ay nagpahula sila ni Kakai sa isang tarot-card reader para raw malaman nila ang kapalaran for this year. May disclaimer naman ang aktres na for fun lang ito at hindi dapat lubos na paniwalaan.

Ayon sa mga baraha ni Bea, magiging maganda ang kanyang career this year although magkakaroon daw ng maraming issues. Reyna pa rin daw ang aktres basta ‘wag lang magpapa-distract.

Lumabas din sa tarot cards na may eight major projects na gagawin si Bea this year at may isang proyekto rin abroad.

Binalaan din ni Niki si Bea na may gusto raw umaway rito kaya pinag-iingat niya ito.

Natanong ni Bea kung ikakasal pa ba siya at ayon sa lumabas sa baraha, later pa raw pero civil wedding daw ang una at hindi church wedding.

“Either seven months from now or seven years (ikakasal),” sey ni Niki.

Sagot naman ni Bea, hindi pa raw puwede kung seven months dahil marami pa raw siyang work. Kung seven years naman eh matanda na raw siya nu’n.

Pero magiging bongga raw ang married life ni Bea kung medyo later pa ito magpapakasal. Lumabas din sa card ang guy na mapapangasawa niya. Matured na raw ito at totoo raw ang pagmamahal sa kanya.

Tinanong din ni Bea kung magkakaanak pa siya at lumabas naman sa card na supposedly ay tatlo ang magiging anak niya pero mas klaro raw ang dalawa, 1 boy and 1 girl. “Very long life ka, very bongga ang career mo,” sey pa ni Niki.

Samantala, kinumpirma naman ni Bea na may tatlo nang pelikulang naka-line up na gagawin siya hanggang June. Sey pa ng aktres, “if there’s anything that I learned in 2020, if an opportunity knocks on your door, you should always say ‘yes.’”

 

MATTEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with