_pang-masa
^
Luis at Angel, sabay ikakasal!
Luis at Jessy

Luis at Angel, sabay ikakasal!

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - January 4, 2021 - 12:00am

Tiyak na ngayong 2021 ang kasal ng engaged couple na sina Angel Locsin at ang businessman-producer-director na si Neil Arce.

Noong isang taon pa dapat ang kasal nina Angel at Neil pero ito’y naurong dahil sa pandemya.

Samantala, kahit noong early October 2020 lamang na-engaged sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, this year din ang target ng kanilang kasal.

Si Luis ang huling kasintahan ni Angel bago niya naging kasintahan si Neil.

Miriam, buntis na ULI

Former Miss Universe 1st runner-up (in 1999) Miriam Quiambao is currently pregnant sa kanilang magiging se­cond child ng mister niyang si Ardy Roberto. Ang kanilang first child na si Elijah Roberto ay mahigit isang taong gulang na.

Si Roberto `Ardy’ Roberto ay isang Christian author and motivational speaker at isang widower bago naging sila ni Miriam. Ang huli naman ay nagmula sa isang failed marriage sa isang Italian businessman na si Claudio Rondinelli na naka-base sa Hong Kong. Ang dalawa ay ikinasal sa Boracay noong 2004 pero ito’y nauwi sa divorce in 2006.

It was in 2013 nang ma-engaged si Miriam sa kanyang fiancé na si Ardy. Ang couple ay ikinasal noong March 25, 2014.

Si Ardy ay may adopted son sa kanyang late first wife na si Tingting Roberto na si Joshua. Isinilang naman si Elijah noong February 17, 2019 kaya magda-dalawang taon na ito next month at excited sa kanyang magiging baby sister or brother.

Si Miriam ay 43 years old nang kanyang isinilang si Elijah at 45 naman siya ngayon sa kanyang pagbubuntis sa kanilang magi­ging second baby.

 

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with