^
Alden, idinonate ang napanalunan sa EB
Alden

Alden, idinonate ang napanalunan sa EB

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 4, 2021 - 12:00am

Parang nag-mini-concert si Pambansang Bae Alden Richards nang mag-celebrate siya ng kanyang 29th birthday sa Eat Bulaga last Saturday, January 2.

Tulad ng mga nakaraang taon, at sa kabila ng pandemic nating pinagdaraanan, hindi pa rin nakalimot ang fans ni Alden na magpadala ng sari-saring cake sa APT Studios.  Sabi nga ni Jose Manalo, mas marami pa raw ang cakes kaysa mga taong involved sa production sa loob ng studio, kasama na sila nina Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Maine Mendoza, at work from home naman sina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon.

For a change kasi, si Alden ang piniling maging judge sa segment nilang Bawal Judgmental na ang topic ay tungkol sa young entrepreneurs na mas bata pang nagsimula kaysa kay Alden. Dahil may talent na dapat ipakita ang choicers, marami sa kanila ay kumanta, at ang ginawa nina Paolo at Maine na siyang naging hosts, bawat kantahin ng choicer, ipinakakanta kay Alden na hindi naman tumanggi.

Maraming natutunan si Alden sa mga bisita nila, na mga may negosyong naitayo sa kabila ng pandemic, tulad ng mga online selling ng food, baked products, meron pang tungkol sa gold plated jewelry, isang franchiser ng food (na nagregalo ng franchise kay Alden) at isang medtech graduate na ang business ngayon ay medical and laboratory supplies. Lahat sila ay nagbigay ng gift kay Alden dahil birthday nito.

Nanalo ng P45K si Alden at sinabi niya kay Bossing Vic na ido-donate niya iyon sa isang fan na may cancer at nangangailangan ng tulong. Tinapatan naman ito ng same amount ni Maine, na dati na nilang ginagawa kapag may humihingi ng tulong sa kanilang fan, lalo na iyong may mga maysakit at nasa ospital.

COO ng EB nagretiro na

After 41 years, ang well-loved na si Ms. Malou Choa-Fagar, Chief Operating Officer ng TAPE Inc., producer ng Eat Bulaga, ay nagpaalam na sa pamamagitan ng Facebook page ng EB: “Happy New Year! It’s official, I am retired TAPE! ‘Eat Bulaga!

From us: “Thank you, Ms. Malou Choa-Fagar!”

Jennylyn at Dennis, mas tumibay na ang relasyon

“Seven Years Strong,” Instagram post nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo nang mag-celebrate sila ng 7th anniversary nila as a couple sa pamamagitan ng isang romantic date, na ini-enjoy nila ang fine dining mula sa isang high-end restaurant, recorded in a video ni Dennis.

Post din ni Jennylyn na noong New Year kasama nila ni Dennis ang anak nitong si Calix Andreas at ang anak niyang si Alex Jazz.

Ngayong tapos na ni Jennylyn ang Descendants of the Sun PH, si Dennis naman ang magtatapos na ng lock-in taping ng bagong GMA Telebabad series, ang Legal Wives, kasama niya sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with