^

Mga manghuhula, feng shui expert hindi nagparamdam!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 3, 2021 - 12:00am

Pahinga muna sa paghuhula, pagbibigay ng predictions ang ilan sa mga manghuhula, Feng shui experts at iba pang fortune tellers  na naglulutangan bago matapos ang taon!

Wala kasing nakahula na magdadala ng pandemic ang COVID-19, huh! So mahirap hulaan kung ano ang kahihinatnan ng mundo sa 2021!

Year of the Rat last 2020. Ang 2021 naman ay Year of the Ox.

Eh sa showbiz, gaya ng mga nakaraang taon, may ipanganganak, may magpapakasal, may maghihiwalay na couple at may mamamatay!

Positibo man o negatibo ang mga prediction, ­maging matatag dapat ang ating pananampalataya sa Diyos at mag-ingat dahil may bagong takot na dala mula sa natuklasang variant mula sa COVID-19.

Basta lagi nating tandaan, every gising is a ­blessing!

Pray harder this 2021 nang sa gayon eh mabiyayaan na ang bansa natin ng bakuna nang sa gayun ay magkaroon tayong lahat ng peace of mind!

Manigong Bagong Taon sa lahat ng readers ng PM (PangMasa)! Cheers to a more fruitful and ­blessed yea ahead, to you, your family and loved ones!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with