^
Cong. Alfred, âdi susuko sa pag-produce ng pelikula
Cong. Alfred

Cong. Alfred, ‘di susuko sa pag-produce ng pelikula

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 2, 2021 - 12:00am

Walang sukuan si Congressman Alfred Vargas sa pag-produce ng pelikulang may mensaheng nais ipahatid sa manonood.

Eh kumita man o hindi ang 2020 Metro Manila Film Festival kung saan isa sa entries ang prinodyus niyang Tagpuan, tuloy pa rin ang hangarin niyang makatulong sa local film industry.

“We joined MMFF knowing that there’s a very big risk of losing our resources, our investments pero go kami.

“Why? For the love of filmmaking, for the love of our industry, for the love of acting, ituloy natin.

“Kung kumita,’ Thank you, Lord.’ Kung hindi, okey lang tapos we’ll start from the scratch. Hopefully I can produce again in a matter of  few years, ‘di ba?

“Whether kumita or hindi itong MMFF, this is good in the sense na marami tayong matututunan at malalaman natin kung ano’yung mga variable options for future movies to come,” pahayag ni Alfred sa isang interview.

Ang isang ikinatuwa ng actor-politician ngayong MMFF, nabura na ‘yung mentalidad na first day-last day sa mga sinehan ng pelikulang hindi kumikita sa unang mga araw ng festival.

Saka lumawak din ang market ng MMFF dahil sa pag-shift sa digital ng festival, nagkaroon ng bagong market ang Pinoy films sa kababayan natin abroad.

Sa totoo lang, ayon sa mga report, mula sa gross receipt na P1 billion ng movies last 2019 MMFF, hindi pa umaabot sa P100-M mark ang kita ng 10 entries, huh!

ALFRED VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with