^

Alden ‘di pa rin sasabak sa teleserye

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 2, 2021 - 12:00am

Ang tweet ni Alden Richards na “3 days...” na ang tinutukoy ay ang birthday niya ngayong araw, January 2, 2021 when he is turning 29 years old. Kakaiba ang birthday ngayon ng Kapuso aktor dahil wala siyang party na important occasion sana dahil 30 years old na siya next year.

Nauna nang bumati ng happy birthday kay Alden ang kanyang fans at excited na silang mapanood ang special dance number niya ngayon sa Eat Bulaga na ang choreographer ay ang Korean na si Dasuri Choi.

Ise-celebrate rin ni Alden ang birthday niya sa All-Out Sundays bukas dahil in-announce na may number sila ni 2020 Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo. Siguradong magkakaroon ng isyu sa pagsasama ng dalawa na hindi pa alam kung kakanta sila o magsasayaw.

Samantala, wala pang nababalitang teleserye project ang GMA 7 kay Alden, ang alam pa lang na project na kanyang gagawin ay ang movie with Bea Alonzo na A Moment to Remember na co-produced ng Viva Films at GMA Pictures. This January na ang nabalitang start ng shooting ng pelikula na ngayon pa lang, marami na ang nag-aabang.

Pamilya Agoncillo, nag-bonding sa dagat

Ang ganda ng bonding nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos at mga anak na sina Yohan, Luna at Lucho dahil nag-swimming at nag-snorkeling ang buong pamilya. ‘Katuwa na pati ang mga bata, mahuhusay lumangoy, marami tuloy ang naengganyo na gayahin ang Agoncillo family.

May isang netizen lang  na nag-comment ng “Please don’t touch the turtle, thank you” na sinagot ni Ryan ng “that’s right, nobody did.” Sa isa pang nag-comment na “Aren’t you not supposed to touch the turtle, there is a fine doing that” na sinagot ni Ryan ng “Correct! You’re not supposed to. That’s why nobody did.”

Kung pakikinggan ang video clip na pinost ni Ryan, maririnig na sinabihan niya ang mga anak not to touch the turtle at makikita naman sa video na hindi nga nila hinawakan ang nakitang turtle na kumakain.

JD, aminadong mama’s boy

Nakalagay sa DP ni Joaquin Domagoso ang “Mama’s boy” at mabuti hindi nabu-bully ang bagong Kapuso star ng mga kaibigan sa inamin niyang ito. Sabagay, ang takot lang ng mga bully na i-bully ang bagets, lagot sila kay Manila City Mayor Isko Moreno. Joke lang!

Speaking of JD, excited na si JD dahil this January na siya magsisimula sa lock-in taping ng First Yaya kung saan, gaganap siyang kapareha ni Cassy Legas­pi. Excited si JD dahil first acting project niya ito at first time sa lock-in taping.

Looking forward si JD to be working with Cassy and the major cast na kinabibilangan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez at director LA Madridejos.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with