^

Pang Movies

Indie at theater actor na pinagbabaril sa bahay, nanghihingi ng katarungan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Bago magtapos ang taong 2020, isang malagim na pangyayari ang dumating sa indie at thea­ter actor na si Bobby Tamayo (57) noong nakaraang Miyerkules ng umaga ng December 30 nang walang habas siyang pagbabarilin (apat na beses) ng hindi pa kilalang salarin sa loob mismo ng kanyang pamamahay.

Humihingi ng hustisya ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa walang awang pagpatay kay Bobby na kilala umano sa pagi­ging mabait, simple at tahimik lamang na tao.

Tatlong araw bago siya pinatay ay binati siya ng kanyang mga kaibigan dahil nominado siya bilang Best Supporting Actor para sa short film na pinamagatang Ang Bahagharing Uhaw sa Ulan sa Gawad Arts Awards 2020.

Ilan sa mga pelikulang kanyang ginawa include Bar Boys kung saan siya gumanap na ama ng cha­racter ng Kapuso actor na si Rocco Nacino, Aplaya, Banal, ANi, Heneral Luna at iba pa.

Ang Gawad Sining Short Film Festival ay naglabas ng kanilang official statement: “Murdered early this morning. Four gunshot wounds. No signs of theft. Probably premeditated murder. Bobby Tamayo was a humble and kindly actor despite his accomplishments with the film industry. Enjoy our Savior Jesus’ presence, Brother Bobby.”

#JusticeForBobbyTamayo

Janella at Julia, nananahimik

Alam mo, Salve A., hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-share ng impormasyon at larawan ang magkasintahang Janella Salvador at Markus Paterson (both 22) ng kanilang baby na diumano’y isinilang noong nakaraang Oktubre.

May balitang nagsilang umano si Janella ng first baby nila ni Markus last October 22 at ito’y baby boy.

Ang pagbubuntis ni Janella ang dahilan umano kung bakit biglang napalipad patungong United Kingdom ang ina ng young star, ang veteran singer-actress na si Jenine Desiderio at bunso nitong anak na si Russel.

Pero isa kami sa naniniwala na isa sa mga araw na ito ay ibabahagi mismo nina Janella, Markus at ma­ging ni Jenine ang bagong baby na dumating sa kanilang buhay.

Samantala, kahit mahigit isang taon na rin ang nakalipas matapos mapabalitang nagsilang umano ang young actress na si Julia Montes ng unang baby nila ng kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin noong March 2019, hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang dalawa and their respective camps na may kinalaman sa kanilang pagkakaroon ng anak. Hindi rin nagdi-deny ang dalawa tungkol sa bata.

Pero pasasaan ba’t ilalantad din nina Coco at Julia ang kanilang anak sa panahong gusto na nilang i-share sa publiko ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Nang magtapos ang afternoon action-drama series ni Julia, ang Asintado in October 2018 ay para itong bulang nawala sa eksena. Nagtungo rin ito ng Germany to bond with his German father and his fa­mily pero dito umano sa Pilipinas nagsilang si Julia at napabalitang nagsilang ito sa Cardinal Santos Medical Center in San Juan City.

Mula sa amin dito sa Pang-Masa, ang aming pagbati ng mapayapa, malusog at masigabong Bagong Taon sa lahat!

Pagbabago...

Bagong taon, bagong pag-asa. Ito ang inaasam ng lahat ng mga Pilipino at ng mga tao sa buong mundo.

Kung napakaraming mga pagsubok ang pinag­daanan sa taong nakalipas (2020), isang bagong taon at hamon na naman ang haharapin ng lahat pero naroon ang pag-asa ng lahat na sana’y unti-unti nang maibalik sa normal ang buhay ng bawat mamamayan lalo pa’t lahat ng sector (sa buong mundo) ay apektado sa pandemya.

Nawa’y magkaroon ng mga pagbabago (for the better) nang makapamuhay ang lahat nang mapayapa at matiwasay. Pero bahagi na ng buhay ang iba’t ibang pagsubok na kailangang harapin ng bawat isa.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with