^
Charlie breakout star ng 2020, Nancy ng Momoland proud sa kanyang best actress
Charlie

Charlie breakout star ng 2020, Nancy ng Momoland proud sa kanyang best actress

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 1, 2021 - 12:00am

Maraming nagulat at naintriga nang talunin ng Fan Girl lead actress na si Charlie Dizon ang senior actresses na kalaban niya sa best actress category gaya nina Nora Aunor, Sylvia Sanchez at Iza Calzado.

Sino na nga si Charlie Dizon?  Sa Google, siya si April Rose Dizon Matienzo sa tunay na buhay.

Nakalabas na siya sa TV sa series na Bagani at A Soldier’s Heart. Ilan sa film cre­dits niya ay Four Sisters Before the Wedding at Pandango sa Hukay.

Want more of Charlie?  Sa Facebook account ng abs-cbn news. Kaibigan niya si Nancy Mc-Donjie ng K-pop group na Momoland. Isa si Nancy sa bumati kay Charlie nang manalo ito ng best actress.

“I am so proud and impressed with your performance. You are amazing, Charlie. You deserve (the best actress award). Congratulaitions,” saad ni Nancy sa kanyang Instagram stories.

Ayon pa sa report, 13 years nang magkakilala sina Nancy at Charlie. Kapwa sila co-trainees sa South Korea kung saan sumikat si Nancy bilang K-pop idol.

‘Yun nga lang, nagkaroon daw ng problema sa visa status ni Charlie kaya hindi natuloy ang pangarap niyang makabilang sa K-pop industry.

Hindi man natuloy ang pangarap maging K-pop idol, si Charlie ngayon ang tinaguriang break out star ng 2020 dahil sa Fan Girl, huh!

CHARLIE DIZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with