_pang-masa
^

Jessy,naghahanda na sa kasal

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 31, 2020 - 12:00am

Siguro panay na ang inom ni Jessy Mendiola ng Calcium Cee ni Mayette Acuña dahil nag-aalis siya ng stress sa nalalapit na wedding nila ni Luis Manzano.

Ultimate dream ng isang babae ang wedding day sa kanyang pinakamamahal.

At tulad nga ng claim ng vitamins na iniinom niya, hindi lang ito nakakatulong sa immune system, kundi pang-alis rin ito ng stress, kaya nga big help kay Jessy  na may ini-endorse siyang Vitamin C na walang acidity effect.

Kung mapapansin n’yo, lalo pang gumaganda si Jessy mula nang magkaroon sila ni Luis Manzano ng annoucement sa kanilang engagement.

At mukha ngang very soon na ang wedding ng dalawa dahil nagmamadali nang magkaroon ng apo sina Ate Vi at Kuya Doods.

Ogie, magaling magdiskubre

Na-miss ko sa Take It… Per Minute Me Ganun si Ogie Diaz last Tuesday. Madalas ay dumaraan siya sa Obra ni Nanay Gallery at talagang puno ng tawanan ang mga chikahan natin, ‘di ba Salve?

Bongga si Ogie, dahil birthday niya sa January 2, at para magkaroon ka ng three major talents tulad nina Raffy Tulfo, Enrique Gil at Liza Soberano, my God, ano pa ba ang mahihiling mo?

Kaya nga nakakatuwa kasi hindi mo kinakitaan ng pagbabago si Ogie, kahit pa nga narating na niya ang kanyang nakakainggit na kalagayan ngayon, as PR manager, actor-comedian, blogger at radioman, naku lahat na yata pinasok niya.

Natatandaan ko na siya rin ang unang manager ni Vice Ganda, mukhang meron din siyang midas touch dahil nadi-discover niya ang mga talent ng mga alaga niya at nagiging top of the line sila sa showbiz.

At bongga siya ha, kaya na niya ngayong mag-issue ng tseke para iregalo sa friends niya, dahil nga siguro mga top celebrity ang mga alaga niya, marami siyang datung at afford niyang magbigay ng tseke as gifts.

Happy birthday, Ogie, regalo ko sa iyo, Isumbong kita kay Tulfo, para tapatan niya ang issue mong tseke, para ma-double ang datung, hah hah bongga!

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with