_pang-masa
^

Taong 2020 maraming naganap na engagement

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - December 31, 2020 - 12:00am

Ngayon ang huling araw ng Disyembre at ng taong 2020.

Kung maaari lamang, gusto ng mas nakakarami  na iwan sa taong magtatapos ang lahat ng masasamang alaala at karanasang sanhi ng pandemya (COVID-19) at iba’t ibang kalamidad at delubyo tulad ng matitinding bagyo, baha at lindol na kumitil ng napakaraming buhay, pagkasira ng mga agrikultura, imprastraktura at mga kabahayan, ang pagsasara ng maraming business establishments, ang pagkawala ng hanapbuhay at iba pang sufferings ng mga mamamayan.

Maituturing na ang taong 2020 na yata ang pinaka-most challenging year na dumating hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dahil sa pandemya. Pero sa kabila nito, marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat sa taong 2020 dahil natuto tayong maging matatag sa kabila ng sunud-sunod na mga pagsubok na dumating sa atin.

Tulad noong mga nakalipas na mga taon, ang taong 2020 ay hitik din ang masasaya at malulungkot na mga pangyayari both sa showbiz at sa pribadong sector.

Maraming celebrity weddings, engagements at celebrity babies ang isinilang.

Marami ring mga taga-industriya ang namaalam na.

Bago naman magtapos ang taon ay pinabinyagan ng comedian-host na si Super Tekla (Romeo Librada) ang kanyang bunsong anak na si Baby Angelo noong nakaraang linggo, December 27 sa Santisimo Rosario Parish sa University of Santo Tomas.

A few months back, naging controversial din si Super Tekla matapos siyang ireklamo ng kanyang dating partner at ina ni Baby Angelo na si Michelle Lhor Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo.

Bago ang pagtatapos ng taon ay nag-propose na rin finally ang binata ng estranged couple na sina Rep. Vilma Santos-Recto at Edu Manzano na si Luis `Lucky’ Manzano sa kasintahan nitong aktres na si Jessy Mendiola last October na ang kasal ay mangyayari ngayong 2021. Nabahiran din ng kontrobersiya ang engagement ng dalawa dahil sa engagement ring (na nagkakahalaga umano between P3 to P4M) na ipinagawa at binili ni Luis sa isang kaibigang jeweller ni Jessy dahil bago pa man ang proposal ni Luis ay ipinasukat at ipinasuot umano ang ring sa actress at a time na down si Jessy dahil break sila at that time ng TV host-actor. Ayon sa actress, sinira umano ng kanyang kaibigan ang momentum ng proposal ni Luis kaya ipina-reset or ipina-redesign niya ang singsing sa ibang jeweller na siya namang naging dahilan ng pagre-react ng friend na jeweller ng actress. Pero sa kabila ng nangyari, mas gusto na lamang alalahanin ni Jessy ang kanilang masayang pagsasama ng kanyang magiging future husband.

Sinorpresa naman ng singer-actress na si ­Roxanne Barcelo ang lahat nang ito’y mag-post sa kanyang Instagram account ng wedding photo nila ng kanyang husband na nagngangalang Tim noong Christmas day. Sa araw din ng Pasko nag-propose sa pang-apat na anak ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado na si ­Gianna Revilla (Bautista) ang non-showbiz boyfriend nitong si Jed Patricio na nasaksihan mismo ng mag-asawang Bong at Lani.

Noong December 24 naman ay sabay na na-engaged ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro at ang dating MYX VJ at singer-actress na si Tippy Dos Santos sa kanilang respective boyfriends, ang Irish national na si David Rainey kay Glaiza at si Miguel Porcuna kay Tippy. Pero mas nauna sa kanila ang engagement ng singer na si Morissette Amon sa nobyo nitong si Dave Lamar noong December 21.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with