^

Pang Movies

Mikael at Megan, pinag-aaralan kung sa probinsiya na titira

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Iiwanan na nga ba ng mag-asawang Mikael Daez at former Miss World 2013 Megan Young ang Manila at magse-settle down na sila sa Subic in Olongapo, Zambales, ang hometown nila Megan?

“Pinag-aaralan pa namin,” saad ng mag-asawa sa kanilang Behind Relationship Goals podcast titled, Goodbye, Manila! We’re changing our lives forever.

Binanggit din ni Megan na parang test run muna ito dahil hindi pa rin sila sure na sure. Kagagaling daw lamang nila sa lugar kung saan sana nila gustong mag-settle down. Matagal na rin daw nilang nirerentahan ang lugar para doon sila mag-stay kapag umuuwi ng Subic. Dream ni Megan na siya ang mag-decorate ng magiging bahay nila roon.

Sa ngayon ay natapos na ni Mikael ang GMA Telebabad nilang Love of my Life, na nagsimula na muling mapanood last December 28 at tuluy-tuloy na sa mga fresh episodes sa GMA 7.

Tanong naman ng isang fan ni Megan, tamad na raw bang mag-artista si Megan, kaya nag-beg-off siya sa bagong teleserye na Legal Wives, na dapat ay kasama siya nina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali, pero pinalitan si Megan ni Andrea Torres?

Alden, ayaw baliin ang panata

Muling pangungunahan ni Alden Richards ang grand celebration ng GMA Network ng Kapuso Countdown to 2021. Gaganapin ito mamayang gabi, December 31, sa pagsalubong sa Bagong Taon, na magsisimula ng 10:30 p.m. hanggang January 1, 2021, at 12:30 a.m.

Naging panata na ito ni Alden sampung taon na ang nakararaan, bilang pagtupad sa pangako niya kay Master Showman, German Moreno, na taun-taon ay pangungunahan niya ang countdown na laging ginaganap sa SM Bayside Blvd. in Pasay City na talaga namang dinudumog ng mga tao at doon nila ito sinasalubong taun-taon.

“Kaya po for the past five years, kahit po may family Christmas vacation ako abroad, kasama ang Lolo Danny at Lola Linda with my dad and siblings, hindi puwedeng hindi ako babalik ng December 29 para sa countdown,” sabi ni Alden. “Ayaw ko pong baliin ang panatang iyon.”

Kaya nga kahit ilang taon na rin inuulan ang countdown, hindi rin lumiliban ang mga tao na salubungin ang New Year kasabay ng panonood ng magagandang fireworks.

Pero this year, dahil sa pinagdaraanan nating pandemic, tuloy pa rin ang Kapuso Countdown to 2021, dahil nai-tape na ito ng the biggest and brightest Kapuso stars. Makakasama ni Alden sina Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, Christian Bautista at marami pang Kapuso stars and singers.

Wala mang fireworks, pagdating ng midnight, magkakaroon ng bright and magical drone show that will light up the sky to officially welcome 2021. Kasabay itong mapapanood sa GMA 7 at GMA Pinoy TV at live streamed sa GMANetwork.com.

vuukle comment

MIKAEL DAEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with