^

Mga producer ng MMFF entries, nagluluksa

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 30, 2020 - 12:00am

Malungkot ang mga producer ng entries sa 2020 Metro Manila Film Festival dahil sa unang tatlong araw ng streaming ng mga ito, may report na P11 million lang daw ang gross ng 10 entries, huh!

Siyempre, maraming factors na maaa­ring dahilan kaya hindi ganoon kalaki ang gross receipts ng mo­vies.

Hindi pa sanay ang mga tao sa panonood ng streaming. ‘Yung ibang lugar, mahina ang internet kaya nakakatamad manood.

Mas mura man ngayon ang tickets, mas may ibang priorities na gastusin ang mga tao kesa manood!

It will take time bago maka-adapt at adjust ang mga tao sa ganitong sistema ng panonood.

Puwedeng pag-aralan ang sistema pero gusto ba nating matuto ngayong may pandemya pa?

Janine, sa pelikula raratsada

Pinakawalan na ng GMA Artist Center si Janine Gutierrez matapos mag-expire ang kontrata niya. Homegrown talent ng Kapuso Network si Janine at nabigyan ng magagandang breaks sa telebisyon.

‘Yun nga lang, sabi nga sa linya ng isang kanta, “some good things never last.”

Hindi na ni-renew ng Artist Center si Janine nang matapos ang kontrata niya. Hinayaan na lang siyang maging malaya.

Pero wish pa rin ng GMA Artist Center ng magandang career kay Janine na sa movies naman rumaratsada.

Samantala, mananatiling Kapuso artist naman ang boyfriend ni Janine na si Rayver Cruz at welcome pa rin sa GMA ang parents niyang sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with