^

Pang Movies

Parents ni Sarah hindi sinipot ang kanilang reunion

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Hindi naganap ang inaasahang reunion sa pagitan ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at pamilya ni Sarah nitong nagdaang Pasko, pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang celebrity couple na darating din ang tamang panahon na matatanggap sila ng mga magulang ng pop superstar.

Looking forward si Matteo na muli silang ikasal ni Sarah with their respective families and close friends in attendance, ganoon din ang paggi-get-together ng kanilang respective families. Hindi pa man ito nangyayari, hindi nawawalan ng pag-asa ang mag-asawa.

Samantala, nag-host ang mag-asawang Sarah at Matteo sa kanilang bagong nilipatang bahay ng get-together with Sarah’s relatives (sa mother side) at nag-enjoy ang mga ito.

Ang secret wedding nina Sarah at Matteo na nangyari noong February 20, 2020 na pinagmulan ng galit ng parents lalo na ng mommy ni Sarah na si Divine Geronimo ang maituturing na isa sa mga newsmakers sa taong magtatapos.

Glaiza at Irish fiancé, sa 2022 pa ang kasal

Kung ang London-based actress na si Valerie `Bangs’ Garcia-Birchmore ay nakilala ang kanyang Fil-British husband na si Lloyd Birchmore sa Boracay, ang Kapuso singer-actress naman na si Glaiza de Castro ay nakilala ang kanyang Irish businessman fiancé na si David Rainey sa Siargao Island in 2018.

A day before Christmastime on December 24, 2020 ay nag-propose si David sa Filipina singer-actress sa hometown ni David sa Ireland.

Since hindi pa allowed ang biyahe sa Pilipinas ng mga fo­reigner, walang way na makarating dito si David kaya hinikayat niya ang kasin­tahang si Glaiza na ito na ang magtungo ng Ireland para doon na ito mag-spend ng Christmas holidays at New Year.

Walang alam si Glaiza na nagpaalam na si David sa pa­rents ng singer-actress sa plano niyang proposal sa dalaga.

Ang parents naman ni David ang nasorpresa sa proposal ng kanilang anak, at nalaman na lamang nila ito matapos nilang magkita-kita sa isang restaurant in Ireland kung saan sila pinatuloy ni David.

Masaya pareho ang respective families nina Glaiza at David sa engagement ng dalawa. Pero sinabi ng singer-actress na wala umanong kasalang magaganap sa isang taon dahil may mga project pa siyang nakatakdang gawin sa bakuran ng GMA. Plano nilang magpakasal sa Pilipinas in 2022.

There is also a possibi­lity na sa Pilipinas mag-settle si David where he plans to put up his own coffee shop sa Baler in Aurora, Quezon kung saan may sariling resthouse si Glaiza.

Puring-puri ng parents ni Glaiza na sina Boy at Cristy Galura si David dahil nakita nila rito ang pagiging mabait at marespeto at ipinakita rin sa kanila kung gaano nito kamahal ang kanilang anak.

Hindi rin problema kina Glaiza at David ang kanilang long distance relationship setup dahil araw-araw silang nagbi-video call.

Naiintindihan din ni David ang trabaho ni Glaiza bilang singer-actress kaya siya ang mag-a-adjust sa kanyang fiancé by settling in the Philippines when they get married.

Sa Pilipinas inabutan ng lockdown si David at naroon sila sa resthouse ni Glaiza sa Baler with Glaiza and her parents. Nakabalik lamang ng Ireland si David noong nakaraang May.

Since parehong mahilig sa beach sina Glaiza at David, hindi kataka-taka kung mas madalas silang nasa Baler kapag walang taping or shooting ang Kapuso singer-actress.

First time rin ni Glaiza na nag-spend ng Christmas at New Year sa ibang bansa na hindi niya kasama ang kanyang parents at mga kapatid.

Si Glaiza ay nakatakdang bumalik ng Pilipinas on ­Jan­uary 19, 2021 to start a new project sa Kapuso network.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with