^

Pamilya Dantes, nag-enjoy sa dagat

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 29, 2020 - 12:00am

Celebration galore sa beach ang idinaos ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy upang nitong holidays pati na rin ang sixth wedding anniversary nila sa December 30.

Inilantad nina Dong at Yan sa kanilang social media accounts ang mga litrato at video ng kanilang bakasyon at selebrasyon. Damang-dama sa mga mukha nila ang kaligayahan sa ginawa.

May litrato si Zia na with matching apron habang guma­gawa ng pizza by the beach. May mga kuhang photos si Dong ng bonding nina Yan at Zia habang nasa beach.

Gaya ng kanyang Ate Zia, beach boy rin si Ziggy na may kuhang litrato habang nasa dagat.

Happy 6th wedding anniversary, Dong at Yan!

Tinalo sina Nora at Phillip...

Tinalo ng baguhang si Charlie Dizon ang mga senior stars na sina Nora Aunor at Sylvia Sanchez sa best actress sa 2020 Metro Manila Film Festival’s virtual Gabi ng Parangal.

Mula sa pelikulang Fan Girl si Charlie na nagwaging Best Picture ng festival.

Dinaig naman ni Paulo Avelino si Phillip Salvador sa Best Actor category.

Nanalo namang Best Supporting Actor si Michael de Mesa para sa pelikulang Isa Pang Bahaghari habang si Shaina Magdayao ang Best Supporting Actress mula sa pelikulang Tagpuan na hinirang na 3rd Best Picture.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with