^

Pang Movies

Bea, tuloy na kina Alden at John Lloyd sa 2021

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

It seems na year 2021 will see a very busy Bea Alonzo, dahil nakapila na ang mga movie projects na gagawin niya. May go-signal na nga si Boss Vic del Rosario na tuloy na at puwede nang isulat ang first movie na first team-up nina Bea at Kapuso actor Alden Richards.

Philippine adaptation ang movie ng Korean drama na A Moment to Remember na ididirek ni Nuel Nuval. Sa title pa lamang, alam mo nang dramang-drama ang movie.

Matagal na itong inaabangan  ng fans nina Bea at Alden, dahil right after magawa nina Alden at Kathryn Bernardo ang top-grossing movie of all time na Hello, Love, Goodbye, lumutang na ang balitang next movie ni Alden ay si Bea nga raw ang makakatambal nila. Pero mali, dahil iyong akala nilang pagpunta nina Bea at Alden sa Thailand, ay para sa shooting ng movie nila, ay para pala sa isang TV commercial.

Dagdag pa ni Boss Vic, magsisimula na agad sila ng shooting ng A Moment To Remember na hindi magkakaroon ng shoot abroad, dito-dito lang sa Metro Manila, dahil alam na natin ang hirap ng lock-in ­shooting at taping.  Pero naka-schedule na raw ang release ng movie sa Holy Week 2021.

At pagkatapos nga ng Alden Richards-Bea Alonzo team up, tuloy na tuloy na ang muling pagtatambal ng John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na matagal na ring pinakahihintay ng fans nila. The reunion movie will be titled No Goodbyes mula sa ABS-CBN Films and will be directed by Cathy Garcia-Molina.

Si Direk Cathy Garcia-Molina ang nagdirek ng One More Chance in 2007 nina JLC at Bea, and after eight years saka pa lamang nasundan ng A Second Chance in 2015.  Kaya after six more years saka pa lamang muling magtatambal sina Bea at JLC dahil sisimulan na rin nila ang shooting this 2021.

Dingdong at Marian, naka-anim na taon na

How time flies! Bukas, Wednesday, December 30, isi-celebrate na ng Royal Kapuso Couple na sina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera, ang kanilang sixth year wedding anniversary. Ginawa nila ito sa isang beach resort dahil pare-pareho silang mahihilig sa beach, bata pa lamang noon si Zia at ngayon ay kasama na rin nilang lumalangoy na sa beach ang bunso nilang si Ziggy.

Tamang-tama naman na libre na ang mag-anak dahil tapos na ni Dingdong makuhanan ang kabuuan ng kanilang Philippine Adaptation ng Descendants of the Sun. Kahit si Marian ay tapos na ring i-shoot ang mga spiels niya ng Tadhana na si Dingdong din ang nagdirek.

To Dingdong and Marian, more blissful years together!!!

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with