^

Pang Movies

MMFF, nawala ang pabonggahan

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Malaki talaga ang pagbabagong naganap ngayong Metro Manila Film Festival. Nawala na ang patalbugan ng malalaking float na kalahok tuwing Parade of Stars.

Binago rin ng umaatakeng COVID ang tradisyong patalbugan ng mga outfit sa Gabi ng Parangal.

Malupit talaga ang naturang virus na ngayon daw ay may bagong strain naman na galing sa United Kingdom.

Vice Gov. Imelda, hindi nagpapabaya

Grabe ang hirap na dinanas ng mga taga-Catan­duanes at Camarines Sur na bayan ng aktres-singer na si Vice Gov. Imelda Papin. Sunud-sunod daw ang dagok na sinapit ng mga kababayan niya bukod pa sa pandemya at bagyo.

Kaya naman namigay siya  ng ayuda para may maihanda ang mga ito noong Pasko.

Hindi pa man kasi naitatayo ang mga nasira nilang bahay, muli itong nagiba ng ikalawang bagyo.

Dating action star, namigay ng ayuda 

Isa rin dating action star na si Abel Acosta na Tony Patawaran sa totoong buhay ang namigay ng ayuda sa mga kababayan nito bago nag-Noche Buena.

Si Abel ay kasabayan nina Sen. Bong Revilla at Robin Padilla noon. Marami siyang pelikula na natapos at ngayon ay tinaguriang No. 1 councilor sa Baliuag.

Nasaksihan namin ang pamimigay niya ng tulong sa mga kababayang namamasko sa kanyang tahanan. Gusto raw ni Abel na mabigyan ang mga ito ng panghanda noong Pasko.

Hindi nagdamot ang aktor dahil ayon sa kanya ay ultimo raw isang kusing ay hindi mo naman madadala sa langit kaya mabuting tumulong sa kapwa.

Sanya hindi dati pinapansin

Masuwerte ang Bulakenyang  star na si Sanya Lopez. Si Sanya ay dating alaga ni Kuya Germs at walang gaanong pumapansin sa kanya noon sa Walang Tulugan.

Pero ngayon, leading lady na siya ni Sen. Bong Revilla sa Agimat ng Agila at sa First Yaya na kapareha naman si Gabby Concepcion.

Bongga ang suwerteng tinamasa ng dating beauty queen sa Ati-Atihan Festival ng DZRH.

EA, sinuwerte 

Masuwerte rin si Edgar Allan Guzman na nabigyan ng break sa pelikulang Coming Home nina dating Senator Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez.

Si Edgar ay dating Mr. Pogi sa Eat Bulaga at binigyan ng break ni Joy Cancio sa seryeng Daisy Siyete na almost six years sa ere.

Well, that’s showbiz. May sinusuwer­te at meron ding inaalat.

Sa inyong lahat mula sa Bozez, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with