^

Biktima ng pandemya aktres na dating mahilig tumulong, walang naipamigay noong Pasko

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 27, 2020 - 12:00am

Nganga nitong Pasko at Bagong Taon ang humihingi ng tulong o ayuda sa isang kilalang aktres. Taun-taong bukas ang palad ng aktres sa pagtulong dahil may mga trabaho siya’t raket.

Kahit may trabaho man na dumating sa aktres nang sumailalim sa General Community Quarantine ang Metro Manila, naging problema naman ang talent fee.

Nabalitaan naming binawasan ang regular na fee ng aktres dahil sa pandemic. Wala naman siyang magawa dahil ilang buwan ding hindi naglabas ng fresh episodes ang network sa mga series nito.

Nagpapasalamat na rin ang aktres dahil kahit wala siyang sidelines o raket, may tinatanggap siyang suweldo kada buwan sa bawat taping na gawin niya.

AiAi, first time maglagay ng pangalan sa ayuda

Tagumpay sina AiAi de las Alas at asawang si Gerard Sibayan na makumpleto ang siyam na gabi sa Simbang Gabi ngayong taon.

Pero may isang ikinalungkot si AiAi. Hindi niya nagawang pumunta nang personal sa charity work niya sa Missionaries for Charity na taun-taon niyang ginagawa.

Nagpapaligo at binibihisan ang matatandang nakatira sa lugar na alaga ng mga madre. “Nagpadala ako ng goods. ‘Di muna kasi sabi ng mga madre bawal pumasok.

“Pero first time kong naglagay ng name ko sa supot para sabi ng mga madre alam nilang galing sa akin,” text sa amin ng Comedy Queen.

Dagdag niya, “Mami-miss ko ‘yon pero sa mga bata pupunta ako. Bawal pumasok sa loob. Doon na lang kami sa parang garden nila.”

Kasalukuyang naka-lock-in taping si AiAi ng GMA Public Affairs series na Owe My Love kasama sina Lovi Poe, Benjamin Alves at iba pa.

 

CHRISTMAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with