^

Pang Movies

Pero ‘di nagka-COVID-19 Lani nawalan ng pandinig kaya na-ICU!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bago nagsimula ang airing ng The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat last Christmas evening sa GMA-7 after 24 Oras, ipinakita muna si Asia’s Nightingale Lani Misalucha sa mu­ling pagbabalik niya sa The Clash at nilinaw muna niya na hindi siya nagka-Covid-19 kaya hindi siya nakabalik sa show,  pero naospital sila ng asawa niya dahil nawalan sila ng sense of hearing kaya napasok sila sa ICU. 

Noong una raw tinanggap niyang big challenge sa kanya iyon, but later on, naiyak siya at na-realize niya paano na ang kanyang pagkanta, ang kanyang trabaho, kaya labis ang pasasalamat niya ng after ilang days ay muli silang nakarinig.

Pero iyon ang labis na pasasalamat ni Lani at ng husband niya, nang muling bumalik ang boses niya at muling nakaawit.  Hindi man niya natapos ang The Clash Season 3 na labis na ipinagpasalamat niya sa pumalit sa kanyang si Concert Queen Pops Fernandez as Panel Judge.

At muli ngang narinig ang magandang boses ni Lani sa pag-awit niya ng O, Holy Night bilang pasasalamat niya sa Muling Pagsilang ni Hesus. 

Buong-buo pa rin ang boses niya at umani ng pag­hanga mula sa mga viewers.  Bago nga natapos ang show, muli nang nag-anyaya si Lani para sa susunod the The Clash Season 4!

KC titira na rin sa dream house nila Sharon?!

Ikinatuwa ni Megastar Sharon Cuneta ang pagkabuo ng kanyang pamilya, sa family photo nila ni Sen. Kiko Pangilinan at kids nilang sina Kakie, Miel at Miguel, and of course ng  panganay niyang anak na si KC Concepcion last Christmas Eve, dahil matagal na niyang dream na muling mabuo ang kanyang pamilya. 

Soon kaya ay makikita na ang buong pamilya sa bagong dream house na kasalukuyang ipinatatayo ni Sharon sa kanyang buong pamilya sa West Grove, Laguna? 

Hindi inilihim ni Sharon na nagbenta siya ng mga lupain niya para masimulan ang pagtatayo ng dream house niya, dahil nga tatlong taon daw siyang walang work.

vuukle comment

LANI MISALUCHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with