^
KC, ginulat si Sharon

KC, ginulat si Sharon

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 26, 2020 - 12:00am

Natuwa ang fans ni Sharon Cuneta sa post ni Megastar last Christmas Eve, Dec. 24, kung saan ay makikitang magkasama sila ng panganay na anak na si KC Concepcion sa kanilang condo unit.

Obviously ay dumating si KC para sama-sama sila for Noche Buena. Makikita sa video na kumpleto silang mag-anak at masayang nagkakatuwaan.

Halatang masayang-masaya rin si Shawie sa pagdating ng panganay na anak at sey niya sa video, the last time she saw KC was last Christmas pa a year ago.

“It’s a nice Christmas, God has been so good. The last time I saw KC before tonight was exactly one year ago, Christmas eve, last year. And so she came and surprised us,” masayang wika ni Megastar.

Sa comments section ay masa­yang-masaya ang fans na finally ay nakita nila na magkasama na ulit ang mag-ina na as we all know ay galing sa isang tampuhan.

Pelikula nina Jinggoy at Sylvia, walo ang nominasyon

Nominado sa eight categories ang Metro Manila Film Festival 2020 entry Coming Home na comeback movie ni former Senator Jinggoy Estrada. At hindi rin naman kami nagtataka dahil family drama ang pelikula na idinerehe ni Adolf Alix, Jr. at tumatalakay sa iba’t ibang problemang pampamilya.

Nominado ang Coming Home sa Gender Sensiti­vity Award, Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, FPJ Memorial Award, Best Screenplay (Gina Marisa Tagasa), Best Original Theme Song (Ganyan Ang Pag-Ibig Ko by Lito Camo), Best Child Performer (Jana Agoncillo), Best Actor In A Supporting Role (Edgar Allan Guzman) at Best Actress (Sylvia Sanchez).  

Maging si Jinggoy ay bilib na bilib sa husay ng kanyang mga co-stars lalo na nga kay Ibyang at wish niya na ito talaga ang maging Best Actress.

“Napakagaling na artista pero napaka-lukaret,” deskripsyon ni Jinggoy kay Ibyang. “Sa lahat ng naging leading ladies ko, siya ang pinakaluko-luko,” natatawa niyang dagdag.

Sa set daw kasi ay panay ang biruan at tawanan nila kahit pa heavy drama ang mga eksena nila.

“No dull moment with her,” sabi pa ni Jinggoy.

Nagustuhan din daw niya agad ang story nito nang unang i-present sa kanya nina direk Adolf at scriptwriter na si Gina.

Sa pelikula ay ginagampanan ni Jinggoy ang papel na Benny, isang OFW (Overseas Filipino Worker) na natukso sa isang nurse na ginagampanan ni Ariella Arida. Dahil dito ay nawasak ang kanyang pamilya at nagkaroon ng galit sa kanya ang mga anak subalit ang kanyang asawang si Salve portrayed by Ibyang ay nanatiling nagmamahal sa kanya at hindi siya hiniwalayan.

Sa ending ay may twist na ikagugulat ng mga manonood na siyempre ay hindi namin ii-spoil kung ano.

Nagsimula na kahapon ang Coming Home via Upstream.ph at mapapanood ito hanggang Jan. 7, 2021.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with