^

Pekeng sex video ni Maine tanggal na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - December 25, 2020 - 12:00am

Pinainit ang ulo ni Rams David ng dalawang pasaway na proud pang nag-imbita kung sino ang may gustong pasahan ng sex video raw ni Maine Mendoza, mag-react lang daw sa profile picture niya at ‘yung isa, i-pm lang daw siya at padadalhan na siya nito ng copy ng video.

Tweet ni Rams na manager ni Maine, “YOU HAVE BEEN WARNED!!!” at ipinaalala kung ano ang Cyber Crime. Dagdag pa ni Rams, “”RA 10175 punishes content-related offenses such as cybersex, child pornography and libel which may be committed through a computer system. It also penalizes unsolicited commercial communication or content that advertisers or sells products or services. #kulong.”

Pinost din ni Rams ang Official Statement ng All Access To Artists, Inc., ang management company ni Maine tungkol sa pinakalat na sex video raw ni Maine na ang layo naman ng mukha ng girl kay Maine.

“It has come to our attention that an alleged video of Ms. Maine Mendoza is circulating online.

“All Access to Artists, Inc. and Ms. Mendoza hereby inform the public that the said video is fake. It has been digitally manipulated using deepfake technology. Ms. Mendoza is not involved in the said video and neither does she participate in the making of pornographic and other explicit materials.

“The public is warned not to post, share, or otherwise circulate the video. We will not hesitate to take appro­priate legal action against any person circulating the same. We intend to hold those individuals criminally and civilly liable for the damage caused to Ms. Mendoza.

“We remind the public to be more discerning of the content they see online and to help us take down this voyeuristic and defamatory content.

“We are grateful for your continued trust and support for Ms. Mendoza. Rest assured that we are ta­king all necessary steps to hold the individuals involved accountable and we are coordinating with the proper government agencies to remove this content online permanently.”

Mga artista, direktor at producer, bawas ang pressure sa MMFF

Christmas Day ngayon at ngayong araw magsisimula ang 2020 Metro Manila Film Festival na for the first time, online mapapanood ang 10 entries. Noong December 23, ginanap ang virtual Parade of Stars, kung saan, na-interview ang ilang cast ng bawat pelikula at mga director. Kahit virtual ang Parade of Stars, may napiling best float at nanalo ng P100,000 prize.

Malaking adjustment sa lahat ang online film festival, pero may advantage at sabi ni director Dolly Dulu ng pelikulang The Boy Foretold By The Stars, exciting ito para sa kanilang lahat dahil nagbabago na ang viewing habit ng audience at exciting for them ang online viewing.

Ang maganda, nawala ang pressure for the directors, cast and producer na hintayin ang box office result para malaman kung anong movie ang nag-number one. This time, hindi ang box office gross ang priority.

Anyway, sa Dec. 27 na ang awards night at kahapon, Dec. 24, in-announce na ang nominees sa iba’t ibang categories. From Dec. 25 to January 7, 2021 ang streaming ng 10 entries.

Bagets, ‘di kumpleto sa Christmas reunion

Nagkaroon ng Christmas reunion ang cast ng Bagets at kahit anim lang sa cast ang nakarating sa reunion, tiyak na katakut-takot na kuwentuhan, tawanan at throwback ang nangyari.

Sa nakita naming photos, sina Eula Valdes, Yayo Aguila, Ramon Christopher, Cheska Iñigo at Raymond Lauchengco lang ang nandun. Missing sina JC Bonnin, William Martinez at Aga Muhlach.

Pareho pa rin ang mukha ng mga nabanggit, except for Raymond na salt and pepper na ang buhok, pero walang tumaba sa kanila.

Scarlet maka-Sarah

Naaliw kami sa video nina Dra. Vicki Belo at Sarah Geronimo kung saan, tinuruan ni Sarah si Vicki na mag-bake ng Banana Bread. Kinumusta ni Vicki ang married life ni Sarah at isa sa mga tanong ay kung paano sila naging close. Nabanggit ni Sarah na two years older siya kay Matteo Guidicelli at umaray si Vicki dahil older din siya sa husband niyang si Hayden Kho.

Tinanong din ni Vicki si Sarah sa bago nilang bahay at sagot ni Sarah, may four-bedroom. Nakakatawa si Sarah, nakalimutang may swimming pool ang bahay nila dahil nang unang tinanong, ‘wala” raw swimming pool ang bahay nila, tapos biglang binawi nang maalalang may swimming pool pala ‘yun.

Anyway, maka-Sarah din pala si Scarlet Snow Belo dahil nang tanungin ni Vicki kung sino ang kamukha niya, “ate Sarah” ang sagot sabay, tingin kay Sarah na nasa tabi niya.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with