^

Pang Movies

Richard, may pinaghahandaan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Richard, may pinaghahandaan
Richard Yap

It seems handang-handa na si bagong Kapuso actor Richard Yap sa trabaho para sa kanyang first ever Kapuso show. First time ni Richard na gaganap sa isang guest role sa well-loved comedy anthology na Dear Uge.

Inamin ni Richard na ngayong nakapirma na siya ng exclusive contract sa GMA 7, he is grateful na sa gitna ng pandemic na pinagdadaanan natin ngayon, ang daming ibang stations na letting people go, maraming taong nawawalan ng trabaho, kaya he’s so lucky raw na in-accept siya to be part of GMA Network.

Kaya labis ang pasasalamat ni Richard na pinayagan siyang sumubok sa ibang genres, kaysa doon sa nakasanayan na niyang gawin sa dating network.  Kaya ita-try naman niya ngayon ang magpatawa at kumanta (maganda ang singing voice ni Richard). “Napapanood ko pa lamang ang comedians na sina Boobay at Super Tekla sa kanilang comedy show, para bang dapat may extra effort akong gagawin para masabayan ko man lamang ang dalawang komed­yante. At salamat din na may guest role sa Dear Uge, dahil kaibigan ko si Eugene Domingo.”

Mga teleserye, inaabangan ang ending

Marami nang nai-excite sa muling pagkikita nina Lilian (Katrina Halili) at Jaime (Wendell Ramos) sa Afternoon drama series na Prima Donna.

Hanggang January, 2021 pa mapapanood ang Prima Donnas na dinidirek ni Ms. Gina Alajar, at lahat na gustong makitang makabalik ang teens na kasama sa story. Na binawalan sila dahil sa age limit na hindi pa sila puwedeng mag-appear sa serye.

Pero may pasabog na pinakahihintay ang televiewers ngayong weekend.

Isa pang exciting na finale ang pinakahihintay sa Magkaagaw na nagtatampok kina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda at Jeric Gonzales.  Sino ang mananalo sa pagitan nina Klea at Jeric?

Actually, pare-parehong kaabang-abang ang mga afternoon teleserye na Bilangin Ang Bituin sa Langit, at ang mga GMA Telebabad, isa na rito ng pinag-uusapang Love of my Life nina Carla Abellana, Coney Reyes, Rhian Ramos, Mikael Daez na malapit na ring magtapos.

vuukle comment

RICHARD YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with