^

Aga may gustong pasalihin sa Masked...

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - December 22, 2020 - 12:00am

Magtatapos na ngayong Sabado at 7:00 p.m. ang unang season ng local franchise ng Masked Singer Pilipinas na co-produced ng Viva and Cignal TV for TV5 na nagsimulang umere noong October 20, 2020 hosted by Billy Crawford with Aga Muhlach, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli and Kim Molina as celebrity judges.

During the celebrity virtual conference, inamin ng lima kung gaano sila ka-excited sa season finale ng programa. Tatlong  celebrity singers-performers ang pagpipilian sa first grand winner ng Masked Singer Pilipinas.

Inamin naman nina Billy, Aga, Cristine, Matteo and Kim na sobra umano silang nag-enjoy sa Season 1 nito and they’re all looking forward sa ika-2nd season next year. “We all became close sa isa’t isa. Lahat kami na-excite at in-enjoy namin ang journey ng mga participants,” pahayag ng seasoned actor na si Aga.

Looking forward din si Aga na sana ay mag-participate din hindi lamang ang mga kilalang singer kundi maging ang mga artista (na may boses), mga kilalang personalidad sa iba’t ibang sector tulad ng business, sports at ibang personalidad sa Masked...

Ang singer-actress-comedian namang si Kim Molina ay sobra-sobra ang pasasalamat sa Viva, kay Aga and the rest of the team sa tiwalang ibinigay sa kanya considering na siya ang pinakabago among the group. “Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na makakatrabaho ko si Kuya Aga,” paha­yag ni Kim na matagal na namirmihan sa Saudi Arabia.

“Back in Saudi, sobra na po akong big fan ni Kuya Aga. Ngayon kasama ko na siya sa trabaho,” pagmamalaki ni Kim.

Unknown to many, sina Billy at Matteo ay matagal nang magkaibigan. Katunayan, si Billy ang naging tulay kung bakit niya nakilala ang misis niya ngayon, ang Pop superstar na si Sarah Geronimo.

“We always joke around kami ni Billy,” pag-amin ni Matteo who will be celebrating his first Christmas with Sarah bilang mag-asawa.

Meron ding nag-suggest na sana’y sumali si Sarah Geronimo nang hindi alam ni Matteo.

Magaganap ang season finale ng Singer Pilipinas ngayong Sabado, December 26, at 7 p.m. sa TV5.

John Prats, may pinatunayan sa pagiging direktor 

Kadalasan pagdating sa mga malalaking events and TV specials ng ABS-CBN ay ang veteran director na si Johnny Manahan ang director. But since he decided to leave the Kapamilya Network to be with Albee Benitez’ new musical variety show on TV5, ang Sunday Noontine Live, the top management of Kapamilya channel decided to tap actor-dancer and director John Prats to direct the star-studded Christmas special of the network and was able to pull through with it successfully.

Ngayong napatunayan na ang hidden talent ni John sa pagdi-direct, malamang na mahati na rin ang kanyang attention bilang actor at director at bilang isang successful entrepreneur.

John has been part of the hit and long-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin who is also co-direc­ting the TV series.

Congratulations, Direk John!

BILLY CRAWFORD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with