_pang-masa
^
Ate Vi, pinapa-advance na ang apo kina Luis at Jessy
Ate Vi

Ate Vi, pinapa-advance na ang apo kina Luis at Jessy

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 18, 2020 - 12:00am

Walang pagsidlan sa tuwa si Star For All Seasons and Lipa City Representative Vilma Santos-Recto sa engagement ng panganay na anak nila ni Edu Manzano na si Luis Manzano with Jessy Mendiola.

Siyempre, alam na ni ate Vi ang engagement before the announcement last Dec. 12 since October pa nga nu’ng mag-propose si Luis kay Jessy.

“They sent me a picture na tinuturo ni Lucky ‘yung ring na suot ni Jess tapos hindi ko pa napansin nong una, tapos biglang (nakita niya) “ano ‘yun?” And then pumunta sila dito sa bahay and pinakita ni Jess ‘yung ring,” pahayag ni ate Vi sa panayam sa TV Patrol.

Ayon pa kay ate Vi ay answered prayer ito dahil matagal na niya itong hinihintay. “Matagal ko na rin hinintay kasi lagi kong sinasabi noon kay Lucky you are not getting any younger, gusto ko ma-enjoy din niya yung family life,” aniya.

Needless to say, sobrang boto ni ate Vi kay Jessy na nakilala niya ang pagkatao sa apat na taon na relasyon nito with her son. “Nakita ko ‘yung minahal niya talaga si Lucky, mahal niya ang anak ko. Isang in-appreciate ko, she’s a very prayerful person. Nagro-rosary ‘yan everyday. And then nagkataon din na nalaman ko na malapit din siya sa family.”

Noon pa ay very vocal din si ate Vi na talagang gusto na niyang magkaroon ng apo. Biniro nga niya sina Jessy at Luis na kung pwede ay i-advance na ang apo.

Kuwento ni Luis in a separate interview, “nu’ng kumain kami sa bahay I think almost a month ago, sabi niya, ‘hindi ba puwedeng pa-advance ng apo?’,” sabay-tawa.

Natatawa namang sey ni Ate Vi, joke lang naman daw ‘yun. “Hindi, joke ko lang ‘yun sa kanila. Nu’ng nandito sila nu’ng dumalaw nu’ng post birthday, kasi sabi ko, puwede ba advance na ‘yung apo?’ Tawanan lang sila. It was meant to be a joke,” sey ni ate Vi.  (SUNDAN SA PAHINA 6)

Vice pinaligaya na naman ni Ion!

Sa gitna ng ingay at kontrobersiya sa engagement nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, may sarili ring eksena ang magdyowang sina Vice Ganda at Ion Perez.

Nag-post si Ion ng larawan nila ng dyowang si Vice Ganda na magkahawak-kamay sa kanyang Instagram account last. Caption ni Ion, “yung moment na ayoko ng matapos! O loko.”

Sumagot naman si Vice sa comment section ng “O loko! Di nyo kaya!” Sagot naman ulit ni Ion, “di talaga!”

Pinagpistahan ng netizens ang post at kilig na kilig sila. Biro nila, engaged na rin daw yata ang dalawa at ikakasal na rin.

Komento pa ng isang netizen, “we’re ready na for the special announcement mother horsey! Nawa’y di na toh hopia anetch? Hahaha.”

Ang isang follower naman ay nagkomento ng “paano po magpalamon sa lupa dahil sa kilig???!!!

Reaksyon naman ng isa, “ANG LANDE NYO TALAGA KAHIT KELAN.”

Pagbibiro naman ng iba, napakayabang daw ni Vice Ganda dahil nga proud na proud sa kanya si Ion at ipinagsisigawan talaga kung gaano siya kamahal.

Masayang-masaya ang fans ni Vice Ganda sa nakikitang kaligayahan ng dalawa at sana raw ay forever na talaga ang kanilang relasyon.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with