_pang-masa
^

Coney nakatapos na sa lock-in

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 15, 2020 - 12:00am

Proud mama si Kapuso actress Coney Reyes nang i-tag niya ang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang Instagram post to let the whole world know that her son is one of the People’s Choice Awardee. “Congratulations, son! I’m so proud of you! @vicosotto #PeopleAsia #Peo­plesChoice Awardee #ThankYouLord #GloryToGod

“Healing the world by serving others. From battling the pandemic; to bringing opportunities to countless Filipinos in search for greener pastures, these People of the Year awardees continue to spread a contagion of hope,” wrote PeopleAsia on its social media page.

Ang mga kasamang awardees ni Mayor Vico ay sina Eric Francia, Dr. Gerardo ‘Gap’ Legaspi, The Philippine STAR editor-in-chief Ana Marie Pamintuan, Cavite Governor Jonvic Remulla, Chaye Cabal-Revilla, Cesar Romero, Rep. Mikee Romero and Tommanny Tan.

Meanwhile, thankful si Coney na tapos na ang kanilang lock-in taping ng GMA telebabad series nilang Love of my Life, with Carla Abellana, Rhian Ramos, and Mikael Daez, at muli na silang mapapanood simula sa December 28.

Kasal nina Luis at Jessy, 2021 na

Ngayong alam na ng buong mundo ang engagement nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, nasa preparation na sila ng pagpapakasal. Napili ng dalawa ang mid-year of 2021. Ang concern lamang daw nila ay ang safety of their parents. Gusto nilang present ang kani-kanilang parents sa araw ng kanilang kasal, dahil it’s once-in-a-lifetime moment of exchan­ging “I do’s.”

Dasal nilang mawala na ang pandemic threat to their health by the time they get married. Sa ngayon ay wala pang detalye kung kailan talaga ang kasalan, at kung saan magaganap ang ‘wedding of the year.’

Virtual concert ni Alden, hindi pinagsawaan ng fans

Congratulations to Asia’s Multimedia Star Alden Richards, for making history with the first-ever virtual reality concert in the Philippines sa pamamagitan ng Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert. Hindi nga pinagsawaang panoorin ang concert niya na nagkaroon ng three timeslots, twice last December 8 and once last December 9.

Hindi malilimutan ng mga nanood ang heartfelt rendition ni Alden ng God Gave Me You at sa pagpi-perform niya ng latest single niyang Goin’ Crazy sho­wing kung gaano na siya kahusay as a performer on stage.

A day after the concert, ang latest single ni Alden na Goin’ Crazy ng GMA Musical and FlipMusic Productions, also topped iTunes Philippines and is currently included in Apple Music’s Absolute OPM Playlist.

CONEY REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with