^

Gerald at Julia, huling namundok

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - December 14, 2020 - 12:00am

Alam mo, Salve A., marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa ring aminin ng rumored sweethearts na sina Gerald Anderson at Julia Barretto ang kanilang relasyon considering na marami nang sightings na magkasama ang dalawa sa iba’t ibang okasyon na ang pinaka-latest ay ang ginawa nilang hiking (with their friends) sa Mt. Kulis in Tanay, Rizal kamakailan lamang.

May naglabasang magkahiwalay na photos ang dalawa na kuha sa tuktok ng Mt. Kulis. Nakita rin umano si Julia (with her family) sa resort na pag-aari ng actor in Zambales. May picture din na magkasama sina Gerald at Julia na naka-post mismo sa Instagram ng binatang actor.

Sina Gerald at Julia ay nagtambal sa pelikulang Between Maybes na ipinalabas in May 2019. Bago ipinalabas ang pelikula ay lumabas ang breakup ni Julia with her ex-boyfriend na si Joshua Garcia at hindi nagtagal ay pumutok ang balita na nagkakaigihan umano sina Gerald at Julia considering na in a relationship pa noon ang actor sa actress na si Bea Alonzo. Dito nauso ang salitang `ghosting’ dahil wala umanong formal breakup between Gerald and Bea.

Since pare-pareho nang nakapag-move on sina Bea, Gerald at Julia, wala na sigurong sagabal kung lalantad ngayon sina Gerald at Julia at maging open na sila sa kanilang relasyon.

John Lloyd at Ellen, magkasundo dahil sa anak

Naghiwalay man ang dating magkasintahang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, they remain as friends dahil meron silang isang anak, ang more than two-year-old son nilang si Elias Modesto who turned two noong June 27.

JLC and Ellen are co-parenting their son.  Sa Cebu na rin namimirmihan nga­yon ang actor para mapalapit sa kanilang anak ni Ellen.

Samantala, matuloy pa rin kaya ang reunion project nina John Lloyd at Bea Alonzo na nakatakdang pamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina? Bago ang pandemya ay halos buo na ang plano sa muling pagtatambal ng successful screen partners nina John Lloyd at Bea. May balita ring gagawa rin umano ang actor ng pelikula sa bakuran ng Brightlight Productions ni Albee Benitez at nakapag-usap na ang actor at ang producer hinggil sa proyekto.

Ice at Chair Liza, nagsusuportahan

Noong nakaraang December 8 ay ika-anim na anniversary bilang couple sina Ice Seguerra at Liza Diño at may plano na umano ang dalawa kung saan nila ito ise-celebrate, una sa Tagaytay at pangalawa sa Shangri-La at the Fort sa BGC kung saan nakapagpa-reserve na ang singer-actor. Pero ang dalawang naunang plano ay hindi natuloy dahil sa biglaang pagkakaroon ng commitment ni Liza na siyang chairman ng Film Development Council of the Philippines. Ang ending ay nagkaroon na lamang umano sila ng steak dinner sa kanilang bahay na sobra naman umano nilang na-enjoy.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with