^

Pang Movies

Pulitiko at artista, nakapila sa COVID vaccine

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Sa isang showbiz event, narinig naming nagtatanungan kung sino kaya among popular government officials ang unang magpapaturok ng vaccine against COVID-19 na galing China? Paulit-ulit kasing bino-broadcast sa radio at TV ang nalalapit na ang pagdating nito sa bansa.

Narinig din naming tinanong kung sino sa mga artistang pulitiko natin ang unang magpapabakuna.

Wow, exciting na malaman kung sino ba itong matatapang na dating artista na nagpulitiko ang unang sasabak sa bakuna.

Jane, sinasabihan pa rin na starlet

Mahirap ang buhay ngayon at hindi lihim na apektado rin ang mundo ng showbiz. Kaya utang na loob, huwag na po ninyong intrigahin si Jane de Leon, na napiling gumanap na bida ng Darna bilang kapalit ni Liza Soberano.

May mga nagkokomento na hindi raw papatok ang serye dahil starlet lamang ang bida at walang da­ting. Aber, sino nga bang artista ang sumikat na hindi nagdaan sa pagiging starlet? Manahimik na lamang ang mga sumasawsaw at walang masabing maganda dahil final na, si Jane de Leon na ang sinuwerteng pumalit kay Liza at lilipad sa TV series sa 2021.

Barbara, abala sa pagtulong sa mga kababayan

Teka, nasaan na nga ba si Barbara Milano na ­dating pinag-uusapan ang ganda at kaseksihan? Bakit tila hindi na yata namin naririnig si Barang at bihirang makita sa mga showbiz affair.

Well, si Barbara ay naka-lockdown sa sarili niyang bayan sa Talavera, Nueva Ecija kung saan dati rin siyang konsehal. Dito rin daw ay patuloy itong namimigay ng ayuda sa mga nasalanta sa nakaraang mga bagyo. Nasira raw ang pananim ng mga kababayan niyang magsasaka.

Dating line producer, ‘di makalimutan ang Kapamilya

Maraming salamat sa dating line producer na si Ate Lita Santos na naka-base na sa Alberto, Canada ngayon kasama ang kanyang pamilya.

Kuwento niya, nalungkot raw siya noong malamang maraming nawalan ng trabaho nang ipasara ang ABS-CBN. Naging malaking bahagi ito ng kanyang buhay noong line producer pa siya.

Malimit silang magkita ngayon nina Beverly Vergel na sa Toronto na rin nakatira na abala rin doon sa pagbi-build up sa isang aktor na si Cesar Marquez. Naroon din sa Canada sina Patrick Guzman, Billy Castelvi at Jean Lopez ng Sampaguita Pictures.

Thank you sa Pamaskong regalo galing sa Canada.

Vice Gov. Imelda, ‘di pinabayaan ang samahan ng mga artista

Masaya ang Actor’s Guild na kapisanan ng mga artista ng pelikulang Pilipino sa Pamaskong galing kay Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin.

Kahit sobrang abala sa pagtulong sa mga binagyong kababayan, hindi pa rin nakakalimutan at pinababayaan ni Vice Gov. Imelda ang mga kapatid sa showbiz.

vuukle comment

COVID-19

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with