^
Pia, inisa-isa ang ginawa sa pandemic kaya nagka-award
Pia

Pia, inisa-isa ang ginawa sa pandemic kaya nagka-award

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 9, 2020 - 12:00am

Sinagot ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kanyang bashers na kumukuwestiyon sa pagkakahirang sa kanyang latest award na natanggap.

Si Pia ang hinirang na Woman of the Year ng Dubai-based luxury magazine na Xpedition. Perso­nal na dumalo ang beauty queen sa Xpedition Annual Gala Awards (XAGA) sa Dubai para tanggapin ang award base na rin sa kanyang Instagram post.

Ipinost ni Pia sa kanyang Instagram account ang kanyang tropeo at ang mga larawan niya na kuha mula sa nasabing awarding ceremony.

Sa caption ay nagpapasalamat ang beauty queen sa award at ipinahayag kung gaano siya ka-proud na isa siya sa 15 awardees.

Kasunod nito ay ibinahagi ni Pia ang nararam­daman sa mga bashers na nagtatanong kung bakit siya ang binigyan ng nasabing parangal.

Sa comment section ay isa-isa ngang ipinaalam ng beauty queen ang kanyang mga ginawang fundraising activities.

“Earlier this year when the pandemic started I did my very first fundraiser. Usually I just join other fundraisers but this time I started my own. Literally me handling the monetary donations myself, without an org to work with. And keeping it all transparent para sure na lahat talaga madodonate.

“I was able to collect over 1 million pesos. I used the money to donate PPEs to hospitals earlier this year when they were harder to get by. I also donated money to the fundraiser myself.

“When we collected everything, I only had my cousin, a friend and my driver to help me do the deliveries. Kami lang po yung gumagawa. Wala kaming big team or staff.

“Around the same time I also partnered with a local restaurant to continuously deliver lunch and dinner to the ICU unit Makati Med for weeks and that was with my own money,” ang unang paliwanag ni Pia.

Bukod dito ay ibinenta rin daw niya ang gowns and shoes na isinuot sa Miss U pageant to raise funds.

Pagkatapos nito ay kinuha siyang Ambassador ng World Wide Fund for Nature (WWF) Philippines at tumulong din sa pagre-raise ng pondo. Ibinenta rin daw niya ang kanyang mga relo for charity cause.

“A few months later I was asked by WWF to join their team and I was so happy to be a part of it and learn more, also because Jeremy who is a global Ambassador for WWF, has been teaching me so much about it.

“Now because of safety reasons, I havent done any on ground work yet but I helped with their fundraisers and I sinced I joined their team we closed 3 campaigns. Each of them were about 300-400 thousand pesos.

“I also auctioned off my watches to Anne’s and Angel’s fundraiser earlier this year and the funds also went to charity.

“I also do a free talk with UNAIDS every 3 months,”patuloy niya.

And recently, nag-donate rin daw siya from her own pocket para sa mga nasalanta ng bagyo.

PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with