^

Pang Movies

Sheryl at Jeric, mas daring kahit pandemya

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sheryl at Jeric, mas daring kahit pandemya

Nasa lock-in taping na ng afternoon teleserye na Magkaagaw si Sheryl Cruz at nag-share ito ng ilang kaganapan sa kanyang Instagram video. “After nine long months, we are finally back in the field for our GMA 7 drama series Magkaagaw. This is our ‘new normal,’” caption pa ni Sheryl.

Dahil marami ang naka-miss sa mga maiinit na eksena nila ni Jeric Gonzales sa naturang teleserye, paano na ngayon ito kukunan ngayong may mga sinusunod na health and safety protocols ang mga eksena sa tapings?

Papayag ba si Sheryl na may social distancing ang romansa nila ni Jeric sa teleserye? “Abangan! Abangan natin ‘yang lahat. But you know, in all respect with the creativity and the creative writing of our writers in GMA 7, they stayed true naman to the plot of Magkaagaw and sa totoo lang mas naging daring. Pumupunta siya sa mas pa-daring na scenes kaya ‘yun dapat ang abangan nila!” diin pa ni Sheryl.

Canadian singer na si Shawn, umaming para kay Camila ang mga ginawang kanta

Pinakilig ng Señorita singer na si Shawn Mendes ang fans nila ng girlfriend na si Camila Cabello nang sabihin nito sa isang interview na long-term ang gusto niyang relasyon.

Since 2014 daw sila magkaibigan ni Camila, pero last July lamang sila umamin sa kanilang relasyon.

Sa Netflix documentary ni Mendes na In Wonder, sinabi ng Canadian singing heartthrob na ang lahat nang sinusulat niyang songs, si Camila ang lagi niyang naiisip.

Pinag-uusapan na raw nila ang ma-engage next year. “Yeah, absolutely, I think for me it’s always been if I’m not willing to talk about that stuff then I kind of check out a little bit, and I don’t know, I really think when you know, you know. She’s been one of my best friends since I was, like, 15 years old. I don’t know, at the same time, I know we are really young so I don’t want to jump, like, insanely fast, but I think when you find your person, you feel and you know that you have found your person,” sey ni Mendes.

Sofia, aprubado ng magulang ang TikTok videos

Magandang regalo ngayong Pasko para kay Kapuso teen star Sofia Pablo ang mapasama sa listahan ng Most Popular Celebrities on TikTok Philippines 2020.

Hindi raw inaasahan ni Sofia na mapapasama siya sa list dahil sa rami ng mga local celebrities na may TikTok account.

“Sobra sobra po akong masaya at nagpapasalamat kay God sa napakagandang blessing na ito. At sa lahat ng Sofianatics para sa kanila po ito,” sey ni Sofia.

May 5.1 million followers si Sofia sa TikTok with 27.9 million likes. Ang top TikTok video ni Sofia ay may 14.2 million views with one million likes.

Dahil isa sa popular teen stars si Sofia sa TV at maging sa social media, may advice ito sa mga kaedad niya na gustong sumikat din via TikTok. “Gumawa na kayo at mag-enjoy lang. Ipakita ninyo ‘yung kakulitan ninyo. Basta make sure na lahat ng ia-upload ninyo ay pinag-isipan nang mabuti at mas better kung approved ng parents ninyo,” paalala pa ni Sofia.

SHERYL CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with