^

Pang Movies

Tagpuan ni Alfred, pinaghirapang gawin sa abroad

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Tagpuan ni Alfred, pinaghirapang gawin sa abroad
Alfred

Sana mag-hit ang Tagpuan movie nina Alfred Vargas, Shaina Magdayao at Iza Calzado.

Nag shoot pa sila sa HongKong at New York para sa pelikula at talagang binuhos nila ang lahat para sa ikagagan­da nito.

Mahirap mag-shoot sa ibang bansa, limited ang galaw at siyempre tipid sa tao, kaya malaking hirap din para sa mga artista ang mag-trabaho pero very professional sila na hindi pinansin ang mga obstacle at sige tuluy-tuloy lang lahat.

Maganda raw lumabas ang movie na sana nung nakaraang summer filmfest ilalabas, pero nag pandemic na nga. Ngayong Pasko mas lalong maa-appreciate ito dahil maipadarama nito iyong loneliness ng magtrabaho sa abroad, away from family.

Cong. Lito love pa rin si Manny

Hanggang ngayon sobra pa rin love ni Cong. Mayor Lito Atienza si Champ Manny Pacquiao. Talagang sinabi niya na pag tumakbo ito sa pagka-Presidente iboboto niya at susuportahan niya.

Para kasing anak ni Cong. Mayor Lito si Senator Manny eversince nag start ito sa boxing, at hanggang ngayon parang father figure siya ng boxing champ.

Bongga ha, mukhang tatakbo nga si Senator Manny Pacquiao, dahil parang sure na sure ‘din si Cong Lito Atienza. Abangan.

Grateful... swak ang tambalan

Talagang ang saya ni Chemist Pinky Tobiano sa kanyang Grateful Tuesdays na program online with Yeng Constantino.

Ilang barangay na ang kanyang natulungan at nabigyan ng mga kailangan ng tao, pero feeling niya kulang na kulang pa rin kaya lahat ginagawa niya para maka-ipon pa nang mas malaki lalo nga ngayong Pasko na. Type niya rin na pareho sila ng vision ni Yeng kaya swak na swak ang kanilang tambalan.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with