^

Pang Movies

Sharon, nagpaliwanag sa mga ginawa kay KC

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon, nagpaliwanag sa mga ginawa kay KC
Sharon at KC

Wala na yata talagang katapusan ang pang-iintriga ng mga tao sa relasyon ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Kung bakit parati na lang sinisilip kung okay ba sila, kung nagkikita ba and not only that, pati ang pagpapalaki ni Mega sa panganay na anak ay lagi nilang binabalikan at kinukuwestiyon.

Ganito na naman ang nangyari sa latest Instagram post ni Shawie na larawan nila ng yumaong inang si Elaine Cuneta kasama ang kanyang “tres Marias” na sina KC, Frankie and Miel.

Sa comment section ay may nagkomentong dapat ay bigyan niya ng oras ang panganay na anak since lumaki raw ito sa lola at hindi niya madalas na nakasama unlike her two other daughters.

Mahaba ang naging sagot dito ni Sharon. Aniya, bagama’t malaki raw ang naitulong ng kanyang ina in raising KC, as a mom ay hindi naman daw niya pinabayaan ang anak at napakarami raw niyang isinakripisyo for her.

“Actually hindi ko maintindihan yung meaning ng ‘laki sa lola. Malaki ang naitulong ni Mama sa pagpapalaki ko sa kanya, pero kahit nagtatrabaho ako, napakarami ko din namang sinakripisyo ma­ging health at tulog para sa kanya at para makasama siya. All her manners, etc.

“I used to date her at the most expensive and formal restaurants since she turned 6 or 7 para matuto.

“I taught her everything I knew then. I NEVER missed any school programs or activities kahit na nagpapaalam ako sa trabaho at umaga na umuuwi kaya siguro naman may value din yon kahit paano.

“I am grateful to my Mommy for taking care of her while I busted my behind working to put food on our table and send her to the best schools.

“My Mom spoiled her to the point na pati pagdidisiplina at turo ko nakokontra na. Pero ganon ang lola kaya okay lang.

“None of you were there...none of you saw what I had to give up...what decisions I made FOR and BECAUSE of her, even putting aside my own feelings.

“My Mommy was a big part of her life, that is so true. But here is what people do not seem to hear from her granddaughter: SO. WAS. I. Kahit sumuka na ng dugo dahil di kami umaasa sa mga magulang ko at di naman tumulong ang dapat,” ang mahabang sagot ni Sharon.

Dagdag pa niya, “my other children seem to think I am a good mother. So I take comfort in that. It’s sad that it is so easy for someone to forget everything I’ve done.”

Humirit pa ulit ang netizen at sumagot na sana raw ay magpa-counseling sina Sharon at KC. Iginiit pa nito na out of place raw ang panganay na anak sa pamilya ng Megastar.

Hindi rin ito pinalampas ni Sharon at nilinaw na laging bukas ang pintuan nila for KC pero kung ayaw daw nitong maging parte ng pamilya ay wala siyang magagawa.

“There is so much you do not know about what has happened between us, because I will not talk about it. And our family has always treated her as our no.1 Ate.

“Our doors have always been an open and our home, a loving one to her. So if it is her decision to not be a part of OUR family, the one she grew up with, then there is nothing we can do or will do.

“Di rin naman namin ugali ang ipilit ang sarili namin sa di naman gusto sa amin kahit sino pa yon. But thank you for your concern.

“For everyone else: Be thankful that I am the kind of mother who will not open her mouth,” sagot ni Sharon.

 

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with