_pang-masa
^

Pang Movies

Darna tuloy ang paglipad sa 2021 bilang teleserye, hindi na sa pelikula

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Darna tuloy ang paglipad sa 2021 bilang teleserye, hindi na sa pelikula

Lilipad na sa 2021 bilang teleserye ang Darna. Ito ang pormal na inanunsyo ng ABS-CBN chief operating officer ng broadcast na si Cory Vidanes sa Star Magic Shines On event kahapon kung saan pumirma rin ng kontrata ang ilan sa mga  bituin ng network.  “Tuloy na tuloy na po ang paglipad ni Darna. Ngayong 2021 na po, Mars Ravelo’s  Darna: The TV Series,  ani Vidanes. 

Inanunsyo rin sa nasabing event na si Jane de Leon pa rin ang gaganap sa tanyag na Pinay superhero kasabay ng kanyang pagpirmang muli ng kontrata sa Star Magic. 

Ani Jane, “Nangingibabaw lang talaga sa akin ‘yung kasiyahan. Excited ako sa darating na chapters sa buhay ko,” Jane said. “It’s another dream na naman na natuloy… Grabe ‘yung pasasalamat ko talaga sa mga boss dahil until now, ‘yung pagtitiwala nila na sa akin pa rin ibigay ‘yung bato, nandoon pa rin,” wika pa ni Jane.

Bukod kay Jane, pumirma rin ng kontrata sa ABS-CBN ang tinaguriang Millennial Multimedia Idol  na si Kim Chiu, leading men na sina Enchong Dee, JM De Guzman, at Joseph Marco, MYX VJ at host na si Robi Domingo, Teen Idol na si Andrea Brillantes at aktres na si Kira Balinger at young actor na si Grae Fernardez.

Direk Joel gumaling sa COVID

Recovered na sa COVID si Direk Joel Lamangan.

Pero ayon sa batikang direktor magaling na magaling na siya nang dumalo sa preview ng pelikulang Isa Pang Bahaghari starring Nora Aunor, Phillip Salvador and Michael de Mesa.

In all fairness kay Direk Joel hindi raw siya natakot dahil mas matindi ang pinagdaaanan niyang nang atakihin siya sa puso. “Mas masahol pa roon ang sakit ko. Inatake na ako sa puso. Hindi naman ako namatay! Diyos ko! Ang COVID…” sabi pa niya nang makausap ng ilang entertainment writers last Thursday.

“Nagpagamot ako at nag-isolate. Nag-vitamins, vitamins, vitamins! Tapos, after 14 days nagpa-swab test na naman ako, negative ba!” banggit pa ni Direk Joel na parang wala lang kahit senior na siya.

In fact, pagkatapos nito ay nag-shooting na agad siya ng pelikulang Anak ng Macho Dancer.

Fans ni Alden, crazy sa kanyang single

Usap-usapan ngayon sa social media si Alden Richards dahil opisyal nang nagsimula ang pre-order para sa kaniyang newest single na Goin’ Crazy under GMA Music at FlipMusic Productions.

Kabilang nga sa top trending topics sa Twitter ang hashtag na #AldenxGoinCrazyPreOrder nitong December 1, kung saan ibinahagi ng fans ng Kapuso star ang kanilang excitement at agad na pag-pre-order sa iTunes ng kanta.

Samantala, isang special debut performance ng Goin’ Crazy ang inihanda ni Alden para sa mga manonood ng kanyang 10th year anniversary concert na Alden’s Reality sa December 8. Almost sold out na raw ang tickets nito.

DARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with