^

Pang Movies

Kris, maluwag nang nakakahinga

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kris, maluwag nang nakakahinga
Kris

Maluwag na ang dibdib ni Kris Aquino matapos makuha ang resulta ng swab test niya, mga anak, team, galing sa Makati Medical Center nitong nakaraang mga araw.

Lahat sila ay definitely negative ayon sa nakaraang post sa Instagram account ni Kris.

Kaya naman tuloy ang sabak niya sa 12-12-20 special event ng online shopping site ng endorsement niya at ang pamimigay niya ng Christmas giveaways.

Sa totoo lang, ngayong Pasko, tutumal tiyak ang mga regalo mula sa mga celebrity na taun-taon nilang ginagawa, huh!

Andrea, lumalim ang acting

Subsob muna sa trabaho si Andrea Torres. Mabuti na lang at kasama siya sa bagong Kapuso series na Legal Wives nang sa gayun, mapawi ang sakit na dulot ng hiwalayan nila ni Derek Ramsay.

Ayon sa staff ng show, tila naka-recover na naman si Andrea sa breakup. Masigla naman siya kapag walang take at focus sa pag-arte niya.

Napansin nga lang nila na tila mas lumalim ang husay niya sa pag-arte na ikinatutuwa naman nila.

‘Yun nga lang, malamig ngayon ang Pasko ni Andrea, huh!

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with