^

Pang Movies

Nora, magiging abala na uli

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tiyak na masayang-masaya ang fans at tagasubaybay ni Superstar Nora Aunor, dahil after ng ilang buwan na umiiral ang pandemic, ay hindi na nila napapanood ang actress dahil nahinto muna ang airing ng kanyang GMA Afternoon Prime drama series na Bilangin ang Bituin sa Langit. Pero ngayong December, magiging visible na siya sa television at sa coming 2020 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Simula sa Monday, December 7, magkakaroon muna ng recap ang kanilang TV drama, na kasama niya sina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, at iba pa, directed by Ms. Laurice Guillen. Susundan na ito ng mga fresh episode dahil tapos na ang kanilang lock-in taping, na mapapanood at 4:15 p.m., pagkatapos ng Prima Donnas, sa GMA 7.

At simula sa December 25, mapapanood na rin si Ate Guy sa Isa Pang Bahaghari, one of the 10 official entries sa MMFF, directed by Joel Lamangan. Matatandaan na last year, sa 2019 MMFF, submitted ang said movie pero hindi ito napili ng executive committee. Sa first Summer MMFF this year, na-approve ito bilang isa sa official entries, pero hindi natuloy ang said movie festival dahil sa pagpasok ng COVID-19 pandemic. 

So, this year, tuloy na tuloy na ang showing nito at tatagal ang MMFF hanggang sa January 8, 2021. Hindi nga lamang ito mapapanood sa mga paborito ninyong sinehan, but via streaming in the official Metro Manila Film Festival channel, ang Upstream.

Drama tungkol sa millenials, umpisa na

Simula ngayong umaga, December 5, mapapanood ang isang inspiring coming-of-age drama na magpapakita sa viewers kung paano maiintindihan ang young people, especially teenagers, cope with the new normal via Kaibigan: The Series.

Gagampanan ito ng news stars ng GMA Network, twins Jesse and Christian Perkins, YouTube vlogger Janina Vela, and Kapuso actress Lianne Valentin, four friends trying to navigate the ups and downs of life in the time of COVID-19. Every Saturday, at 8:45 a.m. ito mapapanood

Sharon, pinalakihan ang kwarto ng mga alagang aso

Aliw ang mga sumusubaybay sa The Sharon Cune­ta Channel, lalo na ang mga mahihilig mag-alaga ng aso, nang i-feature niya ang mga aso niya, na ngayon ay 10 nang lahat, na sabi pa ni Sharon Cuneta sa architect na nag-design ng bago nilang bahay, si Arch. Conrad Onglao (partner ni Zsa Zsa Padilla), lakihan daw ang room para sa kanyang fur babies.  Parami nang parami ang mga alaga ni Sharon at ang latest nga ay isang puting puppy, a three-month old tea-cup maltese, na bigay ng kanyang ‘baby sister’ na si Judy Ann Santos-Agoncillo.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with