^

Mag-asawang Juancho at Joyce, sa bagong bahay na nakatira

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 5, 2020 - 12:00am

Nakalipat na sa kanilang bagong bahay ang Kapuso couple na sina Juancho Trivino and Joyce Pring o mas kilala na Juanchoyce.

Tamang-tama lang daw ang paglipat nila dahil malapit na ang Pasko at baka nag-celebrate sila with family sa new house.“Simple lang. Actually, we haven’t planned yet pero gusto namin intimate lang with some of our friends and family,” sey ni Juancho na galing sa isang malaking pamilya.

Sey naman ni Joyce na iniisip nila ang safety ng bawat family members nila ni Juancho kaya limited to a few people ang invited sa bahay at video call na lang daw ‘yung iba. “Kailangan siyempre safety first pero gusto pa rin namin ma-celebrate ‘yung Christmas. Feeling namin kailangan pa rin ng video call barkada parties. Konting celebration with our family dito siguro sa bahay.”

Kinasal sina Juancho at Joyce noong nakaraang February, one month bago nagsimula ang lockdown at quarantine sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.

American singer na si Jessica Simpson, umaming hirap magbasa

Nag-open up ang singer na si Jessica Simpson na siya ay may sakit na dyslexia. Ang dyslexia ay “learning disorder that involves difficulty reading due to problems identifying speech sounds and learning how they relate to letters and words (decoding). Also called reading disability.”

Ni-reveal ito ni Jessica sa kanyang Instagram post pagkatapos hirangin ng Apple ang kanyang memoir na Open Book as “one of the best audio books of the year.”

“Fact: I’m dyslexic and this was the first time I have ever read out loud without hesitation. I did it for the listener. I did it for my family. I did it for myself.

“OPEN BOOK, thank you for the therapy. @applebooks, thank you for recognizing and respecting my story. Turning my fears into wisdom has been a soulful journey to say the least. I appreciate the power of this praise with all of my heart.”

Na-reveal din sa kanyang libro ang pakikipaglaban ni Jessica sa pagiging alcoholic.

JOYCE PRING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with