^
Gerald at Julia ânagkasundoâ na, aamin na?!

Gerald at Julia ‘nagkasundo’ na, aamin na?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 4, 2020 - 12:00am

Feeling ng fans ay malapit nang umamin sina Gerald Anderson and Julia Barretto sa kung anumang meron sila lalo na nga at palabas na sa Netflix ang pelikulang Bet­ween Maybes na pinag-umpisahan nang diumano’y ghosting ni Gerald kay Bea Alonzo.

Nagsasagutan na sila sa social media accounts nila para sa promo nito na bentang-benta kahapon sa netizens.

Sa Saga, Japan sila nag-shooting para sa Between Maybes na maraming nagandahan.

Anyway, true kaya na nakikipag-negotiate rin si Gerald sa Viva Artists Agency na may handle ngayon ng career ni Julia? Though may katatapos na series si Gerald for Kapamilya Channel with Yam Concepcion and JM de Guzman.

Sen. Manny, push daw sa pagpa-pangulo

Push daw sa pagka-presidente si Sen. Manny Pacquiao. Mismong ang  tatay-tatay niyang si Buhay Partylist Representative Lito Atienza ang nasabi nito kahapon - “He’s running for president,” banggit nito sa isang chance interview namin kahapon.

Maraming beses na raw itong nabanggit sa kanya ni Sen. Manny. “Manny is seriously thinking and planning to run for president. He already told me that. And I told him to consider it not only once, twice, not only thrice, 10 X more, consider, consider, isipin mong maigi ‘yan.”

Nag-umpisa raw ito noong hindi pa sikat si Manny. Sinasabi na nito sa kanya na gusto niyang maging presidente. “Nung unang panahon pa, hindi pa siya sikat na Manny Pacquiao nagsabi siya sa akin na kung magkakaroon siya pagkakataon tatakbo siyang pangulo. Sabi ko bakit? Sagot niya. ‘Kasi ang problema ng bansa ang mahihirap patuloy na naghihirap, ang mayayaman patuloy na yumayaman we have to correct that,’” na ikinagulat nga raw ni Cong. Atienza na noon ay siyang madalas kasama ng boxing champion sa mga laban nito sa ibang bansa.

Kaya ngayong marami na raw itong pera, seryoso na ito sa pangarap. Sabi raw nito “Marami akong  pera pero nalulungkot ako pag naiisip ko ang kahirapan ng mga Pilipino.”

Paniwala ni Cong. Atienza na may karapatan itong maging presidente.

Ray an Fuentes at pamilya nasa hospital dahil sa COVID

Nanghihingi ng dasal ang misis ni Gary Valenciano na si Angeli Pangi­linan para sa pamilya ng dating singer na ngayon ay isang pastor na si Ray An Fuentes. Nasa hospital daw ito at ang kanyang misis at anak dahil sa COVID.

“Please pray For Pastor Ray An Fuentes and his family. He, his wife Meiling and my goddaughter Daniela have Covid. Meiling was intubated. BY HIS STRIPES THEY ARE ALL HEALED (Isaiah 53),” post ni Ms. Angeli kahapon.

Concert ng Aegis at Hurados, puwedeng mapanood sa bahay

Best of the best ng OPM industry ang hatid ng KTX.PH at Resorts World Manila ngayong Dis­yembre dahil ipapalabas nito ang sold-out concerts na Aegis na Aegis: Story of Us at Ogie and the Hurados. 

Unang napanood noong 2017, ang Aegis na Aegis: Story of Us ay mula sa Full House Theater Company and Ultimate Shows, Inc. na dinirehe ni Lambert De Jesus. Dito binalikan ng grupo ang kanilang naging matagumpay na dalawang dekada sa industriya ng musika.

Nakasama ng sikat na OPM group sa concert ang The Draybers frontman at The Voice Philippines season 1 winner Mitoy Yonting.

Maaring mapanood ng fans ng Aegis ang concert sa halagang P750.

Samantala, mapapanood din sa mga tahanan ang isa pang sold out concert series ni Ogie na Ogie and the Hurados na una naman natunghayan ng publiko noong 2019.

Tampok sa nasabing concert ang hurados ng hit segment ng noontime show na Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime na sina Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, K Brosas, Karylle, Jed Madela, at Rey Valera.

Samahan sila muli sa isang masayang kantahan simula Disyembre 11 (Biyernes) hanggang Disyembre 13 (Linggo) sa halagang P750.

GERALD ANDERSON JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with