^

Pang Movies

Bonggang birthday celebration ni Derek tuloy, kasabay ng blessing ng bahay

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bonggang birthday celebration ni Derek tuloy, kasabay ng blessing ng bahay
Derek

Sayang at break na sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Imagine  na next week ay birthday at blessing na ng bagong bahay ni Derek  na sabi nga niya ay magiging bahay nila ng kanyang pipiliing Mrs. Derek Ramsay.

No wonder kalmante si Derek, usually daw ang mga born in December ay mga cool headed na tao at hindi madaling magalit.

What a wonderful day sana ang magiging araw ng birthday niya plus house blessing kasama ang candidate to be the queen of the house. Pero dahil practical na tao, talagang itinuloy ni Derek ang una niyang balak noon pa na pagsabayin ang birthday/blessing ng bahay niya, with or without his girlfriend, isang patunay na may focus si Derek sa anumang balak niyang gawin. Hindi hadlang ang anumang bagay para hindi niya ituloy kung ano ang nasa plano niya.

Happy birthday, Derek, may you finally find the queen you will enthrone in that beautiful house of yours. Congrats, ang ganda ng bahay mo, bagay talaga sa isang reyna. 

Mga Gatchalian, very friendly pa rin

Alam mo ba, Salve, na kaya ayaw umalis ng Valenzuela ni Cristy Fermin dahil sa mga Gatchalian? Mula pa noong maging mayor ng Valenzuela si Senator Win Gatchalian at ngayon na ang kapatid niyang si Rex, nakita ni Cristy ang magandang serbisyo ng mga ito.

Isang bagay naman na tuwang-tuwa ako kahit nga hindi natuloy ang mga ‘love match’ ko sa very eligible senator, touching sa akin ang pagiging very friendly niya sa amin ni Gorgy. At ‘yung nasa listahan ako ng mga pinadadalhan nila ng birthday at Christmas gift.

Ay naku, kahit pandemic, talagang the Gatchalians will not forget Christmas. At hindi sila papayag na hindi batiin at give happiness sa mga love nilang kaibigan. So lucky to have them around.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with