_pang-masa
^

Pang Movies

Cong. Lito, tutulong na mabuksan uli ang ABS-CBN

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Cong. Lito, tutulong na mabuksan uli ang ABS-CBN
Cong. Lito

Nangangako si Buhay Party-list Representative and Deputy Speaker Lito Atienza na gagawin niya ang lahat ng makakaya para makapagbukas muli ang ABS-CBN next year.

“I am really confident, justice will prevail by next year,” aniya sa tsikahan with the entertainment press na ginanap kahapon, “bigyan lang natin ng kaunting time si Speaker Velasco.

“I am now Deputy, so you have a good backer inside. I will do everything I can to give the ABS-CBN some form of justice. They were maltreated, they were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice.
Bigyan lang daw natin ng time ang new Speaker of the House of Representative na si Lord Allan Jay Velasco na makapag-settle.

“Ako, I am just giving the new Speaker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, kauupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come – that I’m working on – para maibalik natin ‘yung floor discussion. Hindi ‘yung special firing squad. Ang pumatay sa ABS-CBN, firing squad lang, eh,” aniya.

Naniniwala rin si Cong. Lito na wala namang nagawang mabuti sa bansa at sa mamamayan ang pagsasara ng ABS-CBN.

“Ano ang benepisyo ng bayan, ng bansa, ng tao sa ginawa nila? Are we bene­fitting from the removal of the ABS-CBN network? No, on the other hand, mara­ming naghirap, maraming pinaghihirap, maraming nagdusa sa kalamidad dahil wala ang ABS-CBN sa rehiyon na pinangyarihan,” pahayag pa ni Cong. Lito.

Samantala, dahil nasa new normal na nga tayo ngayon because of the pandemic, Cong. Lito is going digital na rin. Sinimulan na niya ang kanyang Buhay Mahalaga Facebook Live, from Monday to Friday at 2 p.m. (www.Facebook.com/litoatienza), upang magkaroon siya ng araw-araw na komunikasyon sa kanyang constituents — informing them about the goings-on in Congress, as well as ­listening to their opinions on current issues.

Vice, sumumpa sa Kapamilya

Speaking of ABS-CBN, sumusumpa naman ng katapatan at pagmamahal si Vice Ganda para sa kanyang home network. Sa kanyang Twitter account ay nag-post ng open letter ang TV host/comedian at ipinahayag na sasamahan niya sa pagbangon ang istasyon.

“Dear ABS-CBN, saksi ako sa dami ng iyong pinagdaanan ngayong taon. Pinahirapan ka. Binugbog. Pinagtulungan. Patuloy na sinipa habang duguang nakahandusay. Pinipilit kitilin ang buhay. Naghingalo ngunit di namatay.

“Sasamahan kita sa iyong pagbangon. Sa iyong pagpapalakas. At sa muli mong paglipad.

“Binabati kita! Kahit na binalot ka ng dilim ay patuloy kang nagniningning.

“Mahal na mahal kita! –Vice Ganda.”

LITO ATIENZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with