^

Pang Movies

Sharon, inalala ang pagiging seloso ni Gabby

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon, inalala ang pagiging seloso ni Gabby
Gabby

Pinagselosan pala ni Gabby Concepcion ang kissing scene nina Sharon Cuneta at Christopher de Leon sa pelikulang Kailan Sasabihing Mahal Kita. Si Sharon ang nagkuwento nito sa kanyang post sa Instagram kung saan, pinost ang isang eksena ng movie at nagkuwento na nga sa nangyari.

Part ng post ni Sharon, “I am watching Kailan Sasabihing Mahal Kita now, my first movie after I had given birth to Maria Kristina Cassandra. I was nineteen! My third with Christopher de Leon (the first wasn’t really a full movie. Viva asked Boyet to do a cameo in my Bukas Luluhod Ang Mga Tala before I got married to see if Boyet and I had on-screen chemistry together! Then we did Bituing Walang Ningning!). Then-hubby was so upset at the ending’s kissing scene that I had to beg Viva to cut it just before Boyet’s & my lips touched! Hahaha! Balita ko nainis si Boyet after he’d watched the movie. Professionals nga naman kami. Kaya nung finally nakiss nya ako sa  Madrasta- sabi niya after the scene, ‘Patingin nga (ng monitor)! Thirteen years ko hinintay ang lintek na yan!”

Kahit matagal nang nangyari at may kani-kanyang pamilya na sina Sharon at Gabby, marami pa rin ang kinilig sa kuwentong ito ni Sharon. Nabuhay nga uli ang panawagan at request ng fans nila na sana, gumawa na ng pelikula ang dalawa.

Dennis pinaiba ang pangalan sa Muslim

Kinorek na ng production ng Legal Wives ang panawagan na baguhin ang spelling ng pangalan ng karakter ni Dennis Trillo sa cultural drama ng GMA 7. Ang tama at dapat daw na spelling ng karakter nito ay “Ismael” at hindi “Ishmael.” Ang Ismael daw ay Muslim version ng nasabing pangalan at ang Ishmael ay Christian version ng pangalan.

Pati ang pangalan ng karakter ni Alice Dixson na Almirah na ang tama raw ay “Amirah” na mas Muslim kesa Almirah.

Anyway, nabasa namin ang post ni Suzette Doctolero, ang head writer at may concept ng Legal Wives at Ismael na ang sinulat niyang pangalan ni Dennis. Hindi pa namin nababasa kung kinorek na rin ang spelling ng pangalan ng karakter ni Alice.

As of yesterday, day 3 na ng lock-in taping ng bagong drama series ng GMA 7 na ngayon pa lang, marami na ang interesadong manood dahil kakaiba ang tema. Nagpo-post si Dennis ng photos ng location nila na ang ganda-ganda at para talagang kaharian ng mayayamang Muslim datu. Maranao ang karakter dito ni Dennis na may tatlong asawa.

Dahil pala sa title na Legal Wives, may mga nag-akala agad na “kabitan” serye ito, kaya may mga nag-react kung wala na bang ibang story? Paulit-ulit na lang daw ang istoryang may kabit kung hindi ang lalake ay ang babae.

Anak ni Yasmien, hirap sa Tagalog

Sobra ang pagiging Inglesera ng anak nina Yasmien Kurdi at Rey Soldivilla Jr., na si Ayesha Zarah at masarap siyang pakinggang magsalita ng dire-diretsong English. Natatandaan naming kuwento ni Yasmien, bukod sa kinakausap nila ng English ang anak, mas gumaling itong mag-English sa kapapanood ng telebisyon.

Dahil mahusay na mag-English, may Tagalog lesson si Ayesha para naman hindi pa rin niya makalimutang magsalita ng Tagalog. Napanood namin ang mga video nito na nagsasalita ng Tagalog at okay naman ang bagets, ‘yun lang, may English accent pa rin.

Anyway, pinasaya nina Yasmien at Rey ang 8th birthday ng kanilang nag-iisang anak na bukod sa Harry Potter themed party, tinupad na rin nila ang matagal ng hinihiling ng bagets na magkaroon ng dog.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with