Cong. Lito, fave ka-chikahan
Cong. Lito

Cong. Lito, fave ka-chikahan

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

Masarap kausap si Cong. Lito Atienza kaya naman looking forward talaga ang showbiz writers na makausap siya at malaman ang mga bagong pangyayari lalo na ngayon na Deputy Speaker of the House na siya.

‘Pag si Cong. Lito ang kausap, no hold barred, kaya tuwang-tuwa ang lahat dahil nagbibigay siya ng time para sa chikahan portion sa friends niyang showbiz writers.

Hindi malimutan ng lahat na noon ay laging may pa-raffle si Cong. Lito Atienza hah hah, kaya nang mag-invite si Gorgy, iyon ang unang tanong.

Trapik sa kalye, parang hindi pandemic

Grabe naman na ganu’n na kasikip ang traffic hah. Hindi ako makapaniwala na aabutin ng two hours mula Fairview hanggang Obra ni Nanay at mauunahan ako ni Mr. Fu na laging latecomer sa lunch natin last Tuesday.

Bongga talaga tayong mga Pilipino, pandemic o wala, hayun parang normal lang ang lahat.

Type ko talaga ‘yung feeling na parang wala lang, heto rin at may Take It… Per Minute Me Ganun , 12 to 1 ng hapon sa Facebook at YouTube page ng Pilipino Star NGAYON, kahit pa nga ang daming problema o takot ako sa virus.

Diyan magaling ang mga Pilipino, ‘yung nonchalant attitude natin para iwasang matakot, kaya nga hitsurang pandemic, hitsurang mataas na naman ang merong COVID-19, tuloy lang ang buhay. Lakaran nang lakaran sa kalye, pasyalan nang pasyalan, to hell with all the problems, eh wala ka na ngang magagawa kundi mag-ingat at ituloy lang ang buhay.

Sumakit ulo ko sa traffic pero ok lang, hindi naman ako na-late sa show, naunahan lang ako ni Mr. Fu, at hitsurang antay ang inihandang longganisa ko ni Bb. Tina Roa at Japs Gersin, at ‘yung supot mula sa secret supermarket ni Cristy Fermin.

Hay grabe, kung idadagdag pa ang problema ng traffic, naku ayoko, enjoy ko na lang ang long ride, hah hah hah.

LITO ATIENZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with