Anne at Erwan, takot pang iuwi ang anak

Anne at Erwan, takot pang iuwi ang anak

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

Batid na raw ng kanyang elder na si Anne Curtis, ayon kay Jasmine Curtis-Smith, na nag-resign na bilang direktor ng It’s Showtime si direk Bobet Vidanes.

Asked kung ano ang comment ni Anne, Jasmine chose not to reveal.

As we all know, Anne has been a host of It’s Showtime, since it started airing more than 10 years ago.

Ayaw ding banggitin ni Jasmine kung kailan babalik si Anne, who is still in Melbourne, Australia, where she gave birth to her and husband Erwan Heussaff’s first born, Dahlia, nine months ago.

Takot iuwi ng mag-asawa ang anak, hangga’t prevalent pa ang pandemic.

Alexa, lutang sa Four Sisters…

Itinuturing na pinaka-promising among the young stars na gumaganap bilang one of the four sisters sa itinuturing na highly admired movie, Four Sisters And A Wedding, sa prequel nito, ang malapit nang ipalabas online, Four Sisters Before The Wedding, ay si Alexa Ilacad. Alexa’s sisters are acted by Charlie Dizon, Belle Mariano at Gillian Vicencio.

Well, impressive ngang puwedeng ituring ang credentials nitong si Alexa.

Bilang member ng kiddie show, Goin’ Bulilit, nagpakitang gilas siya. She excelled both as a singer and dancer. At magaling din siyang umarte.

To top it all, related siya kay Orly Ilacad, may-ari ng OctoArts Films and Recording Company. Twenty-year old Alexa ay na-link minsan kay Nash Aguas, na halos kaedad lang niya.

Darren, busy pa rin

Both frontliners na Filipino na nagtatrabaho sa Canada ang parents ni Darren Espanto, in Calgary, specifically.

It is where he was born and grew up, too. Iisa ang kanyang kapatid na babae. Matatandaang sumali si Darren sa pa-contest na The Voice Kids and emerged runner-up. Henceforth, life was never the same again for him, especially now na isang teenager na siya.

He is one of the popular performers, his age, in the country. And he loves it.

Right now, busy siya with several virtual performances. Kasalukuyan pa rin siyang nasa Canada kasama ang kanyang mga magulang base sa kanyang mga post sa social media.

Thus, Darren’s utmost wish ngayong Pasko, matapos na ang kung anumang pagsubok na ito dala ng COVID-19. “Pray natin lahat,” susog pa ni Darren.

Sec. Berna, ‘di nakakalimot  

Personal: Thank you nga pala kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, for the early Christmas presents she sent me and my friends: Ricky Lo (Philippine STAR), Lolit Solis and Salve Asis (Pang Masa and Pilipino Star NGAYON), Ian Fariñas (People’s Tonight) and Len Llanes, Dolor Guevarra at JoeBar (Joe Barrameda).

“Hindi siya nagbago. Nakalimot, kumbaga,” susog ni JoeBar.

Aga Muhlach introduced us to her and her Philippine STAR columnist sister, Mons Romulo.

Henceforth, every Christmas, may gift kami sa kanya.

May friend din ba kayong katulad ni Sec. Berna, who will keep reminding you that Pasko, no matter what is forever?

Lucky us.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with